Simbahang Katolika sa Pilipinas, makikiisa sa Day of fasting and prayer for peace

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,305 total reads

Tiniyak ng Obispo ng Diyosesis ng Virac ang buong pusong pagtugon at pakikiisa ng diyosesis sa panawagan ni Pope Leo XIV na Day of Fasting and Prayer for Peace kasabay ng paggunita ngayong araw ng Feast of the Queenship of Mary-Queen of Peace.

Ayon kay Virac Bishop Louie Occiano, naaangkop ang pag-aalay ng isang araw na pag-aayuno at pananalangin para sa kapayapaan ng mundo sa gitna ng nagpapatuloy na mga sigalot at digmaang nagaganap sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Pagbabahagi ng Obispo, sa pamamagitan ng mga banal na misa na ipagdiriwang sa buong diyosesis ngayong araw ay kanyang hinihikayat ang mga mananampalataya na magkaisa sa isang simple ngunit malalim na pagkilos ng pakikiramay o ‘act of compassion’ para sa lahat ng mga dumaranas ng pagdurusa dahil sa epekto ng mga armadong sagupaan.

Paanyaya ni Bishop Occiano ang sama-samang pananalangin at pagsusumamo sa Panginoon upang bigyan ng kapayapaan, katarungan at kapanatagan ang lahat ng mga nagdurusa sa iba’t ibang panig ng daigdig.

“Together with the Diocese of Virac, I wholeheartedly stand in solidarity with Pope Leo’s heartfelt appeal for a global day of fasting and prayer today Friday, August 22, the solemn Feast of the Queenship of Mary. At a time when wars continue to ravage the Holy Land, Ukraine, and many other regions, this initiative offers a powerful spiritual response. Within our masses, I enjoin our faithful to unite in a simple yet profound act of compassion — imploring God to bring peace, justice, and consolation to all who suffer.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Occiano sa Radyo Veritas.

Bukod sa Diyosesis ng Virac, una na ring ibinahagi ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon ang pakikiisa ng Arkidiyosesis ng Caceres sa panawagang ng Santo Papa na pagsasagawa ng isang ‘Araw ng Pag-aayuno at Panalangin para sa Kapayapaan’.

Tiniyak rin ni San Pablo Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang aktibong pagtugon ng Diyosesis ng San Pablo sa Laguna sa panawagan ni Pope Leo XIV na sama-samang pananalangin at paghingi ng awa ng Panginoon sa gitna ng nagpapatuloy na sagupaan sa iba’t ibang bansa.

“I definitely support this call of the Holy Father and invite all to join this Day of Fasting and Prayer for Peace.” Mensahe ni Bishop Maralit sa Radyo Veritas.

Naglabas din ng panalangin for peace si Antipolo Bishop Ruperto Santos bilang pakikiisa sa inisyatibo ng Santo Papa upang makamit ang kapayapaan.

Kaugnay nga nito patuloy ang panawagan ni Pope Leo XIV laban sa patuloy na mga sagupaang nagaganap sa daigdig na nagdudulot lamang ng karahasan at pagdurusa sa mga mamamayan.

Ayon sa Santo Papa, walang sinuman ang nagwawagi sa digmaan sa halip ay nagdudulot lamang ito ng malawakang krisis at pagdurusa lalo’t higit sa mga inosenteng sibilyan tulad ng mga kababaihan lalo’t higit sa mga kabataan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 22,561 total reads

 22,561 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 59,963 total reads

 59,963 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,174 total reads

 78,174 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 162,502 total reads

 162,502 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 198,812 total reads

 198,812 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 37,468 total reads

 37,468 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »
Scroll to Top