Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,709 total views

Homiliya para sa Agosto 29, 2025, Sabado ng Ika-21 Linggo sa Karaniwang Panahon, Kapistahan ng Pagpapakasakit ni San Juan Bautista (Marcos 6:17–29)

Nabasa ko kaninang umaga ang kolum ng batikang peryodista sa Philippine Daily Inquirer na si Ceres Doyo. Ang pamagat ng column niya ay: “Sickening Display of Wealth Porn”. Paano ba natin Tatagalugin iyon? Nakakasukang Paglalantad ng Mahalay na Karangyaan. Pasensya na po at wala akong ibang maisip na translation para sa PORN kundi MAHALAY. Limitado lang kasi ang bokabularyo ko.

Tinukoy ni Ceres Doyo sa kolum niya ang kontrobersyal na interbyu na ginawa ng dalawang kapwa niya peryodista sa mag-asawang kontratista na harap-harapang nagdispley ng mansion nila na may malaking garahe para sa apatnapung mga luxury cars na mula daw sa yaman na kinita nila mula sa mga kontratang tinanggap nila sa DPWH.

MAHALAY ang tawag natin sa Tagalog kapag inilalantad ng tao sa publiko pati ang mga pribadong parte ng katawan at mga pribadong aktibidad sa kama. Mahalay, kapag ang dapat nilang ikahiya ay ipinagmamalaki pa, kapag ang dapat itinatago ay kusang inilalantad at ipinagyayabang pa. Mahalay kapag ang lifestyle at ganitong paraan ng biglang pagyaman ay ginagawa pang huwaran ng pag-asenso sa buhay, kapag ang tiwaling kabuhayan ay itinuturing na halimbawa ng diskarte sa buhay. Mahalay kapag ipinopost pa ng mga anak-ng-pulitiko sa social media na ang bill ng kinain nilang dinner sa isang high-end na restoran para sa apat katao ay umabot ng 760k piso, halaga na ni hindi kayang kitain ng isang manggagawa kahit sa loob ng tatlong taon. Di ba mahalay ang magpasasa nang ganoon gayong alam mong ang nakararami sa atin bayan ay halos hindi maitawid sa gutom ang pamilya kahit maghapon pa silang kumayod na parang kalabaw, dahil kakarampot lang ang kanilang sinasahod? Mahalay kapag ang kumakayod na tatay ng anim na anak ay aarestuhin, ikukulong, at kakasuhan ng illegal gambling ng kara y krus ng kapulisan, gayong walang naaaresto, nakukulong at nakakasuhan sa mga naglulustay sa bilyon-bilyon na pera ng taumbayan sa mga ghost projects na flood control. Lalong mahalay dahil legal na ang online gambling sa bawat cellphone 24/7, at ang gubyerno na mismo ang gambling lord. Mahalay kapag imbes na ikahiya ang pagpatay ay ipinagmamalaki pa ito; at kapag ang mismong mga mambabatas at mga dapat magpatupad ng batas ay walang paggalang sa batas—sila mismo.

Ganitong-ganito rin, sa tingin ko ang layunin ni San Markos sa kuwento niya sa Gospel reading natin ngayon sa araw ng Paggunita sa Pagpapakasakit ni San Juan Bautista. Saan ka ba naman makakakita ng birthday party na ang lasing na gubernador, naaliw lang sa sayaw ng anak na dalaga ng kabit niya ay handang ibigay sa kanya maging kalahati ng kaharian— na hindi naman kanya? Saan ka makakakita ng kainan na ang laman ng isang bandehado ay pugot na ulo ng nakadilat na propeta bilang gantimpala sa maharot na sayaw ng dalaga na humiling dito dahil sumunod lang sa utos ng nanay niya? Tawagin natin itong power-porn o “mahalay na paglalantad ng kapangyarihan”. At lalong mahalay dahil ang bayan, imbes na masuka ay pumapalakpak, nag-eenjoy, aliw-na-aliw na nanonood sa mga berdugong nakabonnet at nakamaskara.

Mabuti pa ang mga berdugo, may konti pang hiya na natitira. Tinatakpan muna ang ulo at mukha bago pupugutan ang ulo ng propeta. Ang mahalay na kamatayan ng propeta Juan Bautista ay susundan pa ng mas mahalay at di hamak na nakasisindak na pagpaslang sa Anak ng Diyos: isang eksenang di hamak na mas nakaririmarim—hubo’t hubad na ibinitin sa krus, bugbog-sarado at duguan, may koronang krus. Larawan ng makahayop na kalupitan, pinaglaruan at pinasipsip pa ng murang alak mula sa esponghang nakatali sa dulo ng isang patpat na ipinapahid sa puwet ng mga sundalong Romano sa kalbaryo.

Kailangan nating marimarim at masuka sa kahalayan upang tayo’y mahimasmasan at upang mapanumbalik ang ating pagiging maginoo, disente at makatao sa lipunang masyado nang pinabulok ng korapsyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 74,945 total views

 74,945 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 149,559 total views

 149,559 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 229,638 total views

 229,638 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 272,777 total views

 272,777 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 269,250 total views

 269,250 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

MISTERYO AT SAKRAMENTO

 23,044 total views

 23,044 total views Homiliya para sa Solemnidad ng Kabanal-banalang Santatlo, 31 Mayo 2026, Juan 3:16-18. “Ang biyaya ng ating Panginoong Hesukristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama,

Read More »

DUE PROCESS

 87,063 total views

 87,063 total views Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19 Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili

Read More »

ANG SUGO AT NAGSUGO

 37,373 total views

 37,373 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 41,213 total views

 41,213 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »
Scroll to Top