Miyerkules, Setyembre 3, 2025

SHARE THE TRUTH

 2,905 total views

Paggunita kay Dakilang Papa San Gregorio, pantas ng Simbahan

Colosas 1, 1-8
Salmo 51, 10. 11

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

Lucas 4, 38-44

Memorial of St. Gregory the Great, Pope and Doctor of the Church (White)

Mga Pagbasa mula sa
Miyerkules ng Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon (I)

UNANG PAGBASA
Colosas 1, 1-8

Ang simula ng sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Colosas

Mula kay Pablo, apostol ni Kristo Hesus ayon sa kalooban ng Diyos, at mula rin sa kapatid nating si Timoteo —

Sa mga taga-Colosas na hinirang ng Diyos at mga tapat na kapatid kay Kristo:

Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaan mula sa Diyos na ating Ama.

Lagi kaming nagpapasalamat sa Diyos na Ama ng ating Panginong Hesukristo, tuwing ipananalangin namin kayo. Sapagkat nabalitaan namin ang tungkol sa inyong pananampalataya kay Kristo Hesus at ang pag-ibig ninyo sa lahat ng hinirang ng Diyos, dahil sa pag-asang kakamtan ninyo ang mga inihanda para sa inyo roon sa langit. Nalaman ninyo ang tungkol sa inaasahan ninyong ito nang ang salita ng katotohanan, ang Mabuting Balita, ay ipangaral sa inyo. Ito’y lumaganap sa buong sanlibutan at nagdadala ng pagpapala, tulad ng nangyari sa inyo mula nang marinig ninyo at maunawaan ang katotohanan tungkol sa kagandahang-loob ng Diyos. Natutuhan ninyo ito kay Epafras, tapat na lingkod ni Kristo, mahal na kamanggagawa namin at kinatawan sa inyo. Sa kanya namin nalaman ang tungkol sa pag-ibig na ipinagkaloob sa inyo ng Espiritu.

Ang Salita ng Diyos.

SALMONG TUGUNAN
Salmo 51, 10. 11

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

Kahoy na olibo
sa tabi ng templo, ang aking katulad,
nagtiwala ako
sa pag-ibig ng Diyos na di kumukupas.

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

Di ako titigil
ng pasasalamat sa iyong ginawa,
ang kabutihan mo’y
ipahahayag ko, kasama ng magdla.

Ako ay nagtitiwala
sa pag-ibig ng Lumikha.

ALELUYA
Lucas 4, 18

Aleluya! Aleluya!
Ikaw, Kristo ay sinugo
upang sa dukha’y magturo,
magpalaya sa bilanggo.
Aleluya! Aleluya!

MABUTING BALITA
Lucas 4, 38-44

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas

Noong panahong iyon, umalis si Hesus sa sinagoga at nagtungo sa bahay ni Simon. Mataas noon ang lagnat ng biyanan ni Simon, kaya’t ipinamanhik nila kay Hesus na pagalingin siya. Tumayo si Hesus sa tabi ng higaan ng babae at iniutos na maalis ang lagnat, at nawala nga ito. Noon di’y tumindig ang maysakit at naglingkod sa kanila.

Paglubog ng araw, ang lahat ng maysakit — anuman ang karamdaman — ay dinala ng kanilang mga kaibigan kay Hesus. Ipinatong niya ang kanyang mga kamay sa bawat isa sa kanila at pinagaling sila. Nagsilabas sa marami ang mga demonyo, sabagay sigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!” Ngunit sinaway sila ni Hesus at hindi pinahintulutang magsalita, sapagkat nakikilala nila na siya ang Mesias.

Nang mag-umaga na, umalis si Hesus at nagpunta sa isang ilang na pook. Hinanap siya ng mga tao, at nang matagpuan ay pinakiusapang huwag munang umalis. Subalit sinabi niya, “Dapat ko ring ipangaral sa ibang bayan ang Mabuting Balita tungkol sa paghahari ng Diyos; sapagkat iyan ang layunin ng pagkasugo sa akin.” At nangaral siya sa mga sinagoga sa Judea.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

PANALANGIN NG BAYAN
Ika-22 Linggo sa Karaniwang Panahon
Miyerkules

Katulad ng mga taong nagdala kay Jesus ng lahat ng maysakit o sinasapian ng demonyo, dalhin natin sa ating makalangit na Ama ang lahat ng mga taong puspos ng paghihirap, pagkalumbay at nangangailangan ng mapagpagaling na pagmamahal.

Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin.
o kaya
Banal na manggagamot, pagalingin mo kami.

Ang Simbahan nawa’y mapalaya ang mga tao sa anumang hadlang upang maipahayag ang Ebanghelyo sa mga lalaki at babae sa ating panahon, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang nagugutom na daigdig lalo na ang mga hindi makatarungang pinagkaitan ng pagkain, damit o kalayaan nawa’y busugin ng Panginoon ng pag-asa at kalakasan, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa sa pag-aalala at pagkabahala nawa’y makatagpo kay Kristo ng sandigan bilang Daan, Katotohanan, at Buhay, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga nagdurusa dahil sa pagkakasakit, at may mabigat na pasanin sa buhay, nawa’y makita ang higit na kahulugan ng kanilang buhay sa pagsubok na kanilang hinaharap, manalangin tayo sa Panginoon.

Ang mga yumao at nagdadalamhati nawa’y magkaroon ng pag-asa sa Muling Pagkabuhay ni Jesus, manalangin tayo sa Panginoon.

Makapangyarihang Ama, bantayan mo ang iyong pamilya; iligtas at arugain kami sapagkat nasa iyo ang lahat ng aming pag-asa. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristo aming Panginoon. Amen.

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 46,065 total views

 46,065 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 120,679 total views

 120,679 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 200,758 total views

 200,758 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 243,897 total views

 243,897 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 242,266 total views

 242,266 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED TOPICS

Sabado, Hulyo 18, 2026

 1,473 total views

 1,473 total views Sabado ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita sa Mahal na Birheng Maria tuwing Sabado Mikas 2, 1-5 Salmo 9, 22-23.

Read More »

Biyernes, Hulyo 17, 2026

 3,015 total views

 3,015 total views Biyernes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 38, 1-6. 21-22. 7-8 Isaias 38, 10. 11. 12abkd. 16 Buhay ko’y ‘yong iniligtas,

Read More »

Huwebes, Hulyo 16, 2026

 4,555 total views

 4,555 total views Huwebes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) Isaias 26, 7-9. 12. 16-19 Salmo 101, 13-14ab at 15. 16-18. 19-21 Mula sa iyong

Read More »

Miyerkules, Hulyo 15, 2026

 5,609 total views

 5,609 total views Paggunita kay San Buenaventura, obispo at pantas ng Simbahan Isaias 10, 5-7. 13-16 Salmo 93, 5-6. 7-8. 9-10. 14-15 Ang Poo’y di tatalikod

Read More »

Martes, Hulyo 14, 2026

 6,288 total views

 6,288 total views Martes ng Ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon (II) o kaya Paggunita kay San Camilo ng Lellis, pari Isaias 7, 1-9 Salmo 47, 2-3a. 3b-4.

Read More »

SUPPORT OUR MISSION

BECOME A KAPANALIG MEMBER AND EUCHARISTIC ADVOCATE!

CATHOLINK

THE PHILIPPINES CATHOLIC CHURCH ONLINE DIRECTORIES

Scroll to Top