Mga opisyal ng DPWH, pinagsusumite ng courtesy resignation ng kalihim ng ahensiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,073 total reads

Maglalabas ng direktiba si bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na humingi ng courtesy resignation mula sa lahat ng mataas na opisyal ng ahensya.

Ito ang inanunsyo ng bagong talagang kalihim matapos niyang palitan si dating Secretary Manuel Bonoan sa gitna ng kontrobersya sa tanggapan kaugnay sa mga ghost at substandard flood control projects.

Sasaklawin ng kautusan ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers bilang bahagi ng malawakang reporma laban sa katiwalian at maanomalyang proyekto.

“Unang-una po, ang unang-una ko pong order na ilalabas ay ang pag-order ng courtesy resignations top to bottom – usec., asec., division head, regional director hanggang district engineer ng buong bansa. Iyan po ang unang-unang order na gustong ipalabas ng ating Pangulo,” ayon kay Dizon sa ginanap na press briefing sa Malacañan.

Kasabay nito, ipatutupad din ni Dizon ang agarang lifetime blacklisting sa mga kontratistang mapatutunayang sangkot sa substandard projects at ghost projects.

Dagdag pa ng kalihim, “…itong mga ghost projects at substandard projects, klinir [cleared] ko na rin po sa ating Pangulo na ang mga contractors nitong mga ghost projects na ito, unang-una, mag-i-impose po ako ng lifetime blacklisting, ban, immediately. Kapag ang isang project ng isang contractor ay ghost o napatunayang substandard, wala na po itong proseso, wala nang imbestigasyon, automatic po blacklisted for life ang contractor na iyan. At siyempre, may kaakibat din pong kaso iyan.”

Hindi na dadaan sa mahabang proseso ng imbestigasyon ang mga kumpanyang mapapatunayang lumabag, at agad na isusumite ang mga kaso sa itatatag na Independent Commission.

Ayon sa kalihim, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kampanya upang matiyak na dekalidad ang lahat ng imprastrukturang pinopondohan ng bayan at mapanagot ang mga tiwali sa ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 95,740 total reads

 95,740 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 189,770 total reads

 189,770 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 234,038 total reads

 234,038 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 257,147 total reads

 257,147 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 327,894 total reads

 327,894 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top