Mga misa sa Antipolo cathedral tuwing Sabado, i-aalay sa mga OFW, migrant at seafarers

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,691 total reads

I-aalay ng Diyosesis ng Antipolo ang mga misa tuwing Sabado sa International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, alas-diyes ng umaga at alas-dose ng tanghali para sa mga Overseas Filipino Workers (OFW), Filipino Migrants at mga mandaragat.

Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, magsisimula ito ngayong Setyembre hanggang sa mga susunod na buwan at idadaos na tuwing sabado sa mga nasabing oras upang higit na kilalanin, ipanalangin at iparating ang pakikiisa sa mga manlalayag at nasa ibayong dagat.

“Simula ng buwan ng Setyembre 2025 hanggang sa mga susunod pang mga buwan ang mga Santa Misa dito sa atin, sa Katedral at Pangdaigdigang Dambana ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje ay patungkol at para; alay at handog sa atin mga Balikbayan, mga Maglalakbay at Maglalayag na umuuwi at babalik na muli sa kanilang mga tahanan o pinagtratrabahuhan sa iba’t ibang panig pa ng daigdig, ang pagdiriwang ng Santa Misa na iaalay at para sa kanila ay mula sa ikasampu ng umaga at ikalabingdalawa ng tanghali ng Sabado ng bawa’t buwan. Sila po, na mga Balikbayan, Maglalakbay at Maglalayag, ay atin bebendisyunan, ipapanalangin at pagkakalooban ng mga stampita ng atin mahal na Birhen ng Antipolo,” ayon sa mensahe ni Bishop Santos.

Inaanyayahan ng Obispo ang mga mananampalataya na patuloy na pinaigting na pagdedebosyon upang magkasabay na mapalalim ang pananamapalataya at iparating ang pakikiisa sa mga Pilipinong nangingibang bansa.

Tiniyak din ni Bishop Santos na naghihintay at handang tanggapin ng Mahal na Ina ng Nuestra Senora De La Paz y Buen Viaje ang mga Pilipinong dadayo o magdaraos ng Pilgrimage sa Dambana ng Antipolo.

“Magsimba at magparangal sa ating mahal na Birhen ng Antipolo, dito sa Katedral at Pangdaigdigang Dambana ng Nuestra Senora de la Paz y Buen Viaje. Masaya po kami sa inyong pagdating. Kagalakan po namin ang inyong pagdalaw. Kami po ay palaging sa inyo naghihintay. Ang ating mahal na Ina, ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo, ay sa inyo ay tatanggap, makikinig at namamagitan sa inyong mga kahilingan at magpapatnubay sa inyong paglalakad, paglalakbay at pag-uwi tungo sa inyong kalakasan, kapayapaan at kaligtasan,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Statistics Authority at Department of Migrant Workers, umaabot sa 2.16-million ang bilang ng mga OFW sa ibayong dagat, habang noong 2024 umabot sa 38.3-Billion US Dollar na katumbas ng 2.2-trillion Pesos ang kabuoang remittances ng mga OFW.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 106,508 total reads

 106,508 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 143,294 total reads

 143,294 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 173,869 total reads

 173,869 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 222,332 total reads

 222,332 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 283,917 total reads

 283,917 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 19,808 total reads

 19,808 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »
Scroll to Top