Paggalang, pagsasaayos, at pagtugon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 21,134 total reads

Ito ang hamon ni Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga mananampalataya bilang pakikiisa sa pandaigdigang pagdiriwang ng Season of Creation ngayong taon.

Binigyang-diin ni Bishop Santos ang temang “Peace with Creation” o Kapayapaan kasama ang Sangnilikha, kung saan hinihikayat ng Kanyang Kabanalan Papa Leon XIV ang lahat na pagnilayan ang wastong ugnayan at tungkuling iniatas ng Diyos sa tao bilang mga katiwala ng kalikasan.

Dagdag pa ng obispo, hindi dapat ituring ng tao ang kalikasan bilang pag-aari na maaaring abusuhin, kundi isang kaloob ng Diyos na dapat igalang at pangalagaan.

“It is a call to live in harmony with the world God has entrusted to our care. And it is a reminder that peace is not just the absence of conflict—it is the presence of justice, of balance, of love,” pahayag ni Bishop Santos sa kanyang pastoral statement.

Gayunman, iginiit din ni Bishop Santos na sugatan na ang mundo dahil sa mga mapaminsalang gawain ng tao na nagdudulot ng polusyon, pagkaubos ng kagubatan, climate change, at labis na paggamit ng likas na yaman—na higit na nagpapahirap sa mga maralita.

Bilang tugon, iminungkahi ng obispo ang three Rs bilang gabay tungo sa paggaling, katarungan, at pagpapakita ng pag-ibig para sa inang kalikasan.

Kabilang dito ang respect o paggalang bilang pagkilala sa kabanalan ng lahat ng nilalang ng Diyos; restore o pagsasaayos na hinihikayat ang pagtulong sa paghilom ng sugatang mundo sa pamamagitan ng pagtatanim, paglilinis, at pagbawas ng pinsala; at respond o pagtugon bilang pagkilos laban sa pagkasira ng kalikasan tulad ng pagbawas ng basura, pagtitipid ng enerhiya, at pagsusulong ng katarungan para sa kapaligiran.

Panawagan ni Bishop Santos sa lahat na maging tunay na tagapaghatid ng kapayapaan—hindi lamang sa tahanan at lipunan, kundi pati sa pakikitungo sa kalikasan.

“Season of Creation is not just a calendar event—it is a spiritual invitation… May our lives reflect the peace that Christ offers—a peace that flows through creation, through justice, and through love,” ayon kay Bishop Santos.

Itinatag ng yumaong Papa Francisco ang World Day of Prayer for the Care of Creation noong 2015, na hudyat ng pagsisimula ng Season of Creation na ipinagdiriwang mula unang araw ng Setyembre hanggang ikaapat ng Oktubre, kapistahan ni San Franciso ng Assisi–ang patron ng kalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 94,673 total reads

 94,673 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 188,703 total reads

 188,703 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 232,971 total reads

 232,971 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 256,080 total reads

 256,080 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 326,881 total reads

 326,881 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 147,422 total reads

 147,422 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top