Obispo, nanawagan sa mamamayan na magkaisa laban sa corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,085 total views

Nanawagan si Bishop Danilo B. Ulep ng Batanes na magkaisa ang sambayanan laban sa korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa bansa.

Binigyang-diin ng obispo sa kaniyang pastoral letter na may titulong “Choose God, Reject Corruption”-na ang katiwalian ay isang kasalanang mabigat sa Diyos at krimen laban sa taumbayan.

Pinuna ng obispo ang mga opisyal ng gobyerno na umaabuso sa kapangyarihan at paalala niyang ang posisyon sa gobyerno ay dapat ituring na pananagutan, hindi pribilehiyo.

“We speak plainly and clearly: government officials, both in the national, as well as in the local level, who tolerate, participate in, or profit from corruption commit a mortal offense against God and the people at large. Public office is not a personal entitlement—it is a sacred trust. When leaders enrich themselves at the expense of the people, they turn their backs on justice and side with oppression,” ayon pa sa liham pastoral ni Bishop Ulep.

“Corruption survives not only because of the greed of the corrupt but also because of the silence of the people. When we accept bribes, “fix” documents for a fee, or tolerate the immoral practice of others because of money or favors, we are complicit and an accessory in this sin. Silence in the face of injustice is consent to the crime.”

Binatikos din ng obispo ang pananahimik ng mga mamamayan na nakikitang nakikinabang o pumapayag sa suhol, palakasan, at paghingi ng pabor.

Nanawagan si Bishop Ulep sa mga tiwaling opisyal na magsisi, ibalik ang kanilang ninakaw, at piliing maglingkod nang may katapatan.

Hinikayat din ng obispo ang taumbayan na ipaglaban ang katotohanan, suportahan ang mabuting pamamahala, protektahan ang mga whistleblower, at ituro ang katapatan sa mga susunod na henerasyon.

“Every stolen peso is bread taken from a hungry child, medicine withheld from the sick, a home never rebuilt for a family in need, a classroom intended for children in need of a shelter for them to study,” ayon pa sa pahayag ng prelature.

Ang panawagan ng obispo ng simbahan ay kasabay na rin sa isinasagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa mga maanomalya at nawawalang proyekto sa flood control ng Department of Public Works and Highways.

Kabilang sa mga inanyayahan sa pagdinig ang 15 contractors na may pinakamaraming nakuhang proyekto sa pamahalaan, kabilang na ang pag-aaring kompanya ni dating Pasig Mayoral candidate na si Cezara Rowena, na mas kilala bilang si Sara at asawa nitong si Pacifico Discaya.

Magsisimula naman bukas Sept. 2 ang gagawing pagdinig ng Mababang Kapulungan sa parehong usapin na pangungunahan ng House Infrastructure Committee.

Kasabay nito, nagtatag din ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang independent commission na magsisiyasat sa mga iregularidad sa mga flood control project, kabilang ang pagtukoy ng anomalya at rekomendasyon para sa pananagutan ng mga sangkot.

Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa pagbubunyag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong kaugnay sa katiwalian sa mga flood control projects na nagsasangkot sa mga pulitiko, contractors, at mga opisyal ng DPWH, gayundin ang malawakang pagbabaha hindi lamang sa Metro Manila kundi maging sa iba’t ibang panig ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 37,578 total views

 37,578 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 122,337 total views

 122,337 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 139,774 total views

 139,774 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 184,398 total views

 184,398 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 1,409 total views

 1,409 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top