Cardinal David, nagpaabot ng pagbati kay Fr. Villanueva na isa sa 2025 Ramon Magsaysay awardee

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,715 total reads

Nagpaabot ng pagbati si Catholic Bishops’ Conference of the Philippines President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David kay Divine Word missionary priest Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD na hinirang bilang isa sa mga 2025 Ramon Magsaysay Awardees — na tinaguriang pinakamataas na karangalan sa Asya.

Ayon sa Cardinal, kinikilala ng nasabing parangal ang ‘prophetic ministry’ ni Fr. Villanueva para sa mga mahihirap.

Pagbabahagi ni Cardinal David, ang naturang parangal ay isa ring kongkretong pagkilala sa pambihirang tapang at paninindigan ni Fr. Villanueva sa pagbibigay-dangal sa mga biktima ng extrajudicial killings at kanilang mga pamilya, kasabay ng patuloy na adbokasiya sa pagtataguyod para sa karapatang pantao, katarungang panlipunan, at pagmamalasakit sa kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan.

“We warmly congratulate Fr. Flaviano “Flavie” Villanueva, SVD for being named a 2025 Ramon Magsaysay Awardee, Asia’s highest honor. This recognition affirms his prophetic ministry among the poor, especially his courageous work of giving dignity to victims of extrajudicial killings and their families, and his tireless advocacy for human rights, justice, and compassion.” Bahagi ng pagbati ni Cardinal David.

Paliwanag ng Cardinal, sinasalamin ng mga adbokasiya at paninindigan ni Fr. Villanueva ang pagiging isang ganap na paring misyonero na malinaw na isinasabuhay ang mga panlipunang turo ng Simbahan at ang Mabuting Balita na nananawagan ng pagtataguyod sa kabanalan ng buhay ng bawat nilalang.

Dagdag pa ni Cardinal David, ang 2025 Ramon Magsaysay Award ay pagkilala hindi lamang para sa karangalan ni Fr. Villanueva kundi isang paalala rin sa Simbahan at sa lipunan na ang tunay na pananampalataya ay dapat makita sa gawaing may pag-ibig, habag, at pakikipagkapwa.

“His witness embodies the spirit of the Church’s social teachings and the Gospel call to uphold the sacredness of life. The Ramon Magsaysay Award Foundation could not have chosen a more fitting servant-leader to inspire Asia and the world with faith that acts in love.” Dagdag pa ni Cardinal David.

Ayon sa Ramon Magsasay Award Foundation (RMAF) ang pagpaparangal kay Fr. Villianueva ay bilang pagkilala sa pagtataguyod ng Pari sa pagpapabuti ng buhay at pagbabalik ng dangal ng mga mahihirap at inaapi sa pamamagitan ng pagtatatag noong 2015 ng Arnold Janssen Kalinga Center at Program Paghilom noong 2016 na nagkakaloob ng pagkalinga sa mga palaboy sa lansangan at mga naiwang kapamilya ng mga biktima ng EJK kasabay ng pagbabahagi ng pag-asa para sa bawat isa.

Taong 1957 ng itinatag ang Ramon Magsaysay Award bilang isa sa pinakamataas na parangal sa Asya na layuning bigyang pagkilala ang mga indibidwal, grupo o institusyong tunay na nagsusulong ng pag-unlad at pagbabago sa lipunan tulad ng naging buhay at paglilingkod sa bayan ni dating Pangulong Ramon Magsaysay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,776 total reads

 39,776 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,827 total reads

 119,826 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,274 total reads

 153,274 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,572 total reads

 188,572 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,596 total reads

 413,596 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top