Laganap na corruption sa Pilipinas, dulot ng hindi pagsasabuhay sa turo ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 30,292 total views

Naniniwala si Cebu Archbishop-designate Alberto Uy na ang patuloy na paglawak ng korapsyon sa Pilipinas, na itinuring na isang ‘Christian nation,’ ay sanhi ng hindi pagsasabuhay ng mga turo ng Panginoon.

Ito ang mensahe ng arsobispo hinggil sa pagiging Kristiyano, subalit may mga nagiging bahagi pa rin ng malawakang katiwalian, lalo na ang mga naglilingkod sa bayan.

Iginiit ng arsobispo na sa kabila ng patuloy na pakikinig at pananalangin, hindi naman handa ang bawat isa para sa tunay na pagbabago. Marami ang nagpupuri kay Hesus sa mga simbahan, ngunit isinasantabi Siya sa kanilang pang-araw-araw na buhay, tulad ng pagsawalang-bahala sa mga sektor na higit na nangangailangan ng kalinga.

“There are so many corrupt officials in our Christian nation because too many of us admire the Word of God, but do not allow it to disturb and change us,” ayon kay Archbishop Uy.

Dismayado ang arsobispo sa katotohanang maraming tiwaling opisyal sa bansa ang mga Katoliko, na aktibong nakikilahok sa mga gawain ng simbahan, ngunit nangunguna rin sa mga isyu ng korapsyon. Ito ay dahil itinuturing na pribado lamang ang kanilang pananampalataya, kaya’t hindi isinasaalang-alang sa kanilang pampubliko at pang-araw-araw na buhay.

“True Christianity means integrity—being the same person in church and in public life,” ani ng arsobispo.

Binigyang-diin ni Archbishop Uy na ang pananampalatayang hindi nagdudulot ng pagbabago sa pagkatao ay hindi makapagbabago ng lipunan.

Sinabi ni Archbishop Uy na sa kabila ng mga pagsisikap ng mga pastol ng simbahan sa Pilipinas na mangaral laban sa iba’t ibang uri ng katiwalian, ay hindi pinakikinggan ang mga ito.
Maging ang mga institusyong nagsisiwalat ng korapsyon at fake news ay tinutuligsa, at nagiging biktima ng red-tagging.

“When we silence truth-tellers, we invite corruption to thrive,” giit ni Archbishop Uy.

Ayon sa 2024 Corruption Perceptions Index (CPI) ng Transparency International, nasa ika-114 na pwesto ang Pilipinas sa 180 mga bansang sinuri, kung saan nakakuha ng 33 puntos mula sa batayang 0 (highly corrupt) hanggang 100 (very clean).

Matatandaang ang Pilipinas ang tanging bansa sa Asya na mayorya ng populasyon ay Kristiyano, at pangatlo naman sa buong mundo na may pinakamaraming Katoliko, na aabot sa mahigit 80 milyong katao o 80 porsyento ng kabuuang populasyon ng bansa.(

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 40,183 total views

 40,183 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 214,117 total views

 214,117 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 191,750 total views

 191,750 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 254,443 total views

 254,443 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 271,146 total views

 271,146 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top