Mga opisyal ng DPWH, pinagsusumite ng courtesy resignation ng kalihim ng ahensiya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 18,928 total views

Maglalabas ng direktiba si bagong Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na humingi ng courtesy resignation mula sa lahat ng mataas na opisyal ng ahensya.

Ito ang inanunsyo ng bagong talagang kalihim matapos niyang palitan si dating Secretary Manuel Bonoan sa gitna ng kontrobersya sa tanggapan kaugnay sa mga ghost at substandard flood control projects.

Sasaklawin ng kautusan ang mga undersecretaries, assistant secretaries, division heads, at district engineers bilang bahagi ng malawakang reporma laban sa katiwalian at maanomalyang proyekto.

“Unang-una po, ang unang-una ko pong order na ilalabas ay ang pag-order ng courtesy resignations top to bottom – usec., asec., division head, regional director hanggang district engineer ng buong bansa. Iyan po ang unang-unang order na gustong ipalabas ng ating Pangulo,” ayon kay Dizon sa ginanap na press briefing sa Malacañan.

Kasabay nito, ipatutupad din ni Dizon ang agarang lifetime blacklisting sa mga kontratistang mapatutunayang sangkot sa substandard projects at ghost projects.

Dagdag pa ng kalihim, “…itong mga ghost projects at substandard projects, klinir [cleared] ko na rin po sa ating Pangulo na ang mga contractors nitong mga ghost projects na ito, unang-una, mag-i-impose po ako ng lifetime blacklisting, ban, immediately. Kapag ang isang project ng isang contractor ay ghost o napatunayang substandard, wala na po itong proseso, wala nang imbestigasyon, automatic po blacklisted for life ang contractor na iyan. At siyempre, may kaakibat din pong kaso iyan.”

Hindi na dadaan sa mahabang proseso ng imbestigasyon ang mga kumpanyang mapapatunayang lumabag, at agad na isusumite ang mga kaso sa itatatag na Independent Commission.

Ayon sa kalihim, ang mga hakbang na ito ay bahagi ng kampanya upang matiyak na dekalidad ang lahat ng imprastrukturang pinopondohan ng bayan at mapanagot ang mga tiwali sa ahensya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bantay ng bayan

 37,382 total views

 37,382 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 122,141 total views

 122,141 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 139,587 total views

 139,587 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Walang natural disaster

 184,224 total views

 184,224 total views Mga Kapanalig, tila hindi na pangkaraniwan ang init na ating nararanasan sa mga panahong ito!  Sa mga nagdaang linggo, ramdam na ramdam ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 1,380 total views

 1,380 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top