Cardinal David, nanawagan ng pananagutan at katapatan sa gitna ng katiwalian sa flood-control projects

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 41,660 total reads

Nanawagan si Catholic Bishops Conference of Philippjnes (CBCP) President at Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David ng pananagutan at transparency sa gitna ng isyu ng katiwalian sa mga flood-control projects ng pamahalaan.

Sa kanyang pahayag na “Beyond Survival: Rising Above the Floods of Corruption”, sinabi ni Cardinal David na ang tunay na pagbabago ay hindi nakukuha sa paninisi sa mahihirap kundi sa mabilis na imbestigasyon, malinaw na parusa, at bukas na pamahalaan.

Binigyang-diin ng Cardinal na dapat magsimula ang pagbabago sa bawat isa, sa pagtanggi sa katiwalian, pagbabaluktot sa batas, at paggamit ng padrino system.

“The real reset begins not with blaming the poor, but with demanding visible accountability at the top. Quick audits, real penalties, transparency people can actually see. But also, change begins with us. Every time we excuse cutting corners, bending rules, or abusing padrino connections, we reinforce the same mental model that allows billion-peso theft to masquerade as politics,” ayon sa pahayag ni Cardinal David.

Giit pa ng pastol ng simbahan, walang maliit o malaking katiwalian dahil parehong mali at hindi dapat palampasin.

Nanawagan din ang Cardinal sa mga kabataan na gamitin ang teknolohiya upang isulong ang katotohanan at labanan ang kasinungalingan, kawalan ng katarungan, at katiwalian sa gobyerno.

“To young Filipinos especially: you hold the keys. You live in the digital space where truth and lies battle daily. Use your platforms not just for outrage but for vigilance. Expose injustice, share facts, demand reforms. Make corruption shameful again,” giit pa ng Cardinal.

Dagdag pa ni Cardinal David, mas nakakasama ang “pagbaha” ng katiwalian kaysa sa mismong baha dahil ito’y unti-unting lumulunod sa kinabukasan ng lipunan. Aniya, hindi dapat maging pundasyon ng bansa ang katiwalian kundi ang katarungan at kabutihan para sa lahat.

“If floodwaters rise because public funds are stolen, the greater flood is the corruption that drowns our future. We cannot build a nation on foundations of systemic corruption. We can only rebuild it on social justice and the resolve to work together for the common good,”
ayon kay Cardinal David.

Samantala, nagsimula na ang imbestigasyon ng Senado at Kamara kaugnay ng alegasyon ng katiwalian sa mga flood-control projects upang papanagutin ang mga sangkot at maprotektahan ang kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 44,781 total reads

 44,781 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 124,664 total reads

 124,664 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 158,111 total reads

 158,111 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 193,409 total reads

 193,409 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 418,222 total reads

 418,222 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top