Talamak na katiwalian sa Pilipinas, pagtataksil at pagnanakaw sa dignidad ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,137 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) laban sa talamak na katiwalian sa bansa na tinawag nitong tahasang pagtataksil at pagnanakaw sa dignidad ng mga mamamayan.

Sa naganap na 45th Biennial Joint Convention ng CMSP sa Cebu City noong Setyembre 1–5, 2025, ay iginiit ng mga pinuno ng mga relihiyoso’t relihiyosa sa bansa na ang katiwalian ay hindi lamang isang simpleng kasalanan kundi isang sistemang pumipinsala sa kapakanan at kinabukasan ng mga mamamayan.

Kabilang sa partikular na tinukoy ng CMSP ang epekto ng katiwalian na nag-aalis ng opurtunidad sa edukasyon sa mga kabataan, nagsasantabi sa kalagayan ng mga may karamdaman, at nagtutulak sa milyon-milyong Pilipino sa kahirapan habang iilan lamang ang nagpapayaman.

“In our days together, we could not ignore the deep wound of corruption that bleeds our nation dry. We name it for what it is: a scandalous theft of the people’s dignity and a betrayal of the common good… Corruption is not an abstract sin; it is a system that robs our children of education, denies the sick of health care, and condemns millions of Filipinos to poverty while a few enrich themselves. It is the face of injustice that we encounter in every community, in every family forced to struggle because leaders have chosen greed over service.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng CMSP ang pagkadismaya nito sa mga ulat ng Transparency International at World Bank na nagsasabing kabilang ang Pilipinas sa pinakakorap o tiwaling bansa sa ASEAN, na may mababang antas ng tiwala sa pamahalaan at pananalapi.

“The Philippines ranks among the most corrupt countries in ASEAN, with Transparency International and the World Bank recording a steady decline in institutional quality and governance. Trust in government effectiveness, rule of law, and accountability continues to deteriorate.” Dagdag pa ng CMSP.

Kasabay nito, kinondena rin ng CMSP ang maling paggamit ng pondo ng bayan na dapat sana’y nakalaan sa kalusugan at edukasyon, lalo na sa gitna ng paglobo ng utang ng bansa matapos ang pandemya.

Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para sa pagkakaroon ng ganap na transparency sa mga kontrata ng pamahalaan lalo’t higit sa usapin ng buwis, at mga proyekto ng imprastruktura na para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“The weight of corruption is felt in our national debt, which ballooned after the pandemic. Yet borrowed funds are squandered on phantom infrastructure projects and political patronage, while essential services like health and education endure crippling budget cuts.” Ayon pa sa CMSP.

Iginiit din ng CMSP ang pagsusulong ng taumbayan sa pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan at pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso ng korupsyon ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kaugnay nga nito, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso kaugnay katiwalian sa flood control projects sa pamahalaan na layuning mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan kung saan una ng inihayag ni Senator Panfilo Lacson na tanging 40-porsyento lamang ng pondo sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan ng mamamayan habang ang iba ay napupunta sa substandard, unfinished projects at katiwalian sa kaban ng bayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 1,729 total reads

 1,729 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 52,369 total reads

 52,369 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 74,460 total reads

 74,460 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 174,279 total reads

 174,279 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 207,523 total reads

 207,523 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top