Krisis sa kalikasan at krisis sa moralidad ng katiwalian, hindi maaring ihiwalay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,418 total reads

Nagbabala si Caritas Philippines president-elect, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, na hindi maihihiwalay ang lumalalang krisis sa kalikasan ng bansa sa krisis sa moralidad ng katiwalian.

Ito ang binigyang-diin ni Bishop Alminaza sa kanyang keynote speech sa ginanap na “Laudato Si’ Summit and Festival” sa Ateneo de Manila University noong September 4,2025.

Ayon sa obispo, ang walang katwirang halagang flood control projects ay nagsisilbing bunga ng kasakiman na hindi tunay na nakakapagligtas ng buhay kundi lalo pang nagpapalubog sa kahirapan.

“Greed is not an accident; it is a choice. When those in power choose greed, the poor pay the price,” pahayag ni Bishop Alminaza.

Dagdag pa ni Bishop Alminaza, ang tunay na ecological conversion ay dapat sabayan ng moral na pagbabalik-loob.

Aniya, ang katiwalian at kasinungalingan sa pamahalaan ay hindi lamang nakasisira sa tiwala ng taumbayan kundi direktang humahadlang din sa tunay na pangangalaga sa kapaligiran.

Iginiit ng obispo na ang pagiging tapat ng mga pinuno sa kanilang tungkulin ay mahalagang saligan upang matiyak na ang mga programa at proyektong inilulunsad para sa kalikasan ay tunay na nagsisilbi sa tao at hindi sa pansariling interes.

“Without honesty in governance, society cannot be honest in protecting creation,” ayon sa obispo.

Ipinunto rin ni Bishop Alminaza ang mga konkretong hakbang ng Simbahang Katolika upang isulong ang pangangalaga sa kalikasan.

Kabilang dito ang ganap na divestment mula sa coal industry, pagtanggi sa mga ‘maruruming donasyon’, panawagan para sa debt cancellation at loss-and-damage reparations, at mahigpit na pangangalaga sa Verde Island Passage, na itinuturing na biodiversity hotspot ngunit ngayo’y nanganganib dahil sa mga proyektong nakakasira ng kalikasan.

Paalala ni Bishop Alminaza na tungkulin ng bawat mamamayan at mga pinuno na ituwid ang maling pamamahala upang tunay na mapangalagaan ang kalikasan bilang nag-iisang tahanan ng lahat.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malaya na si Mary Jane

 1,008 total reads

 1,008 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 51,697 total reads

 51,697 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 73,788 total reads

 73,788 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 173,607 total reads

 173,607 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 206,885 total reads

 206,885 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 124,987 total reads

 124,987 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top