Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Apela ng Santo Papa, gawing huwaran si San Carlo Acutis at San Pier Giorgio ng kabanalan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,568 total views

Hinimok ni Pope Leo XIV ang mga mananampalataya, lalo na ang kabataan, na gawing huwaran sina San Carlo Acutis at San Pier Giorgio Frassati bilang mga halimbawa ng kabanalan.

Sa ginanap na canonization rite noong Setyembre 7 sa Vatican, binigyang-diin ng Santo Papa na ang buhay ay hindi dapat sayangin sa mga walang kabuluhan kundi italaga para sa Panginoon.

“Dear friends, Saints Pier Giorgio Frassati and Carlo Acutis are an invitation to all of us, especially young people, not to squander our lives, but to direct them upwards and make them masterpieces,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ibinahagi ng Santo Papa na parehong pinagyaman ng dalawang batang banal ang kanilang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pagdalo sa Banal na Misa, taimtim na pananalangin, at higit sa lahat, ang Eucharistic Adoration. Hinihikayat niya ang kabataan na talikuran ang makamundong tukso at sundin ang atas ng Panginoon, tulad ng halimbawa nina San Francisco ng Assisi, San Agustin, at ng mga bagong santo.

Libu-libong peregrino ang dumalo sa canonization, kabilang ang pamilya ni Carlo Acutis na nagdala ng kanyang relic.

Si San Carlo Acutis ay ipinanganak sa London noong Mayo 3, 1991 ngunit lumaki sa Milan, Italya. Bata pa lamang, ipinakita na niya ang malalim na debosyon sa Diyos—araw-araw siyang nagsisimba, nagdarasal ng rosaryo, at may matinding pagmamahal sa Eukaristiya.

Gumamit siya ng teknolohiya upang ipalaganap ang pananampalataya, lalo na sa paglunsad ng Eucharistic Miracles website. Pumanaw siya noong Oktubre 12, 2006 sa edad na 15 dahil sa leukemia, at idineklarang beato noong 2020.

Si San Pier Giorgio Frassati naman ay isinilang sa Turin, Italya noong Abril 6, 1901.

Bagama’t mula sa mayamang pamilya, pinili niya ang payak na pamumuhay at masidhing pagtulong sa mahihirap. Aktibo rin siya sa Catholic Action at kilala bilang mahilig sa hiking at mountaineering, kung saan isinasama niya ang pananampalataya sa kalikasan.

Pumanaw siya noong 1924 sa edad na 24 dahil sa polio at idineklarang beato noong 1990 ni San Juan Pablo II, na tumawag sa kanya bilang “Man of the Beatitudes.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 26,060 total views

 26,060 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 93,548 total views

 93,548 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 114,613 total views

 114,613 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 137,069 total views

 137,069 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 172,755 total views

 172,755 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top