Seremonya sa installation ni Cebu Archbishop-designate Uy, isinapubliko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 25,359 total reads

Pangungunahan ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pormal na pagluluklok kay Archbishop-designate Alberto Uy bilang ikalimang arsobispo ng Archdiocese of Cebu sa isang banal na misa sa Setyembre 30, 2025, sa Cebu Metropolitan Cathedral.

Bilang tampok ng pagdiriwang, si Cardinal Luis Antonio Tagle, Pro Prefect ng Dicastery for Evangelization, ang magsisilbing homilist sa naturang misa.

Pagdating at Unang Araw (Setyembre 28)
Darating si Archbishop Uy sa Cebu bandang alas kuwatro ng hapon at sasalubungin ng mga mananampalataya sa port ng lungsod. Sa ganap na alas singko ng hapon, isasagawa ang Profession of Faith, Vespers, at Unveiling ng Coat of Arms sa Shrine of San Pedro Calungsod sa Archbishop’s Residence Compound.

Ikalawang Araw (Setyembre 29)
Sa umaga, isang misa ang gaganapin sa St. Joseph Chapel sa alas sais, na susundan ng tree planting activity at feeding program sa Abtanan sa Kalooy. Magkakaroon din ng Veneration sa Basilica Minore del Sto. Niño de Cebu.

Pagsapit ng alas 10:45 ng umaga, idaraos ang civic reception kasama ang mga lokal na opisyal ng Cebu City. Sa hapon, magkakaroon ng hiwalay na civic reception na pangungunahan naman ng mga opisyal ng Lalawigan ng Cebu.

Ikatlong Araw (Setyembre 30)
Sa ganap na alas nuwebe ng umaga, isasagawa ang banal na misa at ang pormal na rito ng pagluluklok kay Archbishop-designate Uy sa cathedra ng Cebu Metropolitan Cathedral.

Hindi lamang ito isang seremonya ng paglilipat ng tungkulin kundi isang mahalagang yugto para sa buong Simbahang Katolika sa Cebu. Ang Archdiocese of Cebu, na kinikilala bilang isa sa pinakamalaking arkidiyosesis sa bansa na may halos limang milyong mananampalataya, ay may mahalagang papel sa kasaysayan ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

Si Archbishop-designate Uy, na ngayon ay hahalili bilang pastol ng arkidiyosesis kay Archbishop Jose Palma ay inaasahang magpapatuloy sa tradisyon ng malakas na pananampalataya at paglilingkod sa sambayanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 21,141 total reads

 21,141 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 57,930 total reads

 57,930 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 284,200 total reads

 284,200 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 177,667 total reads

 177,667 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 270,563 total reads

 270,563 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top