Paninindigan ng SJSA sa malawakang katiwalin sa gobyerno, suportado ng UP-PGH Chaplain

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,436 total reads

Nakikiisa si Fr. Marlito Ocon, SJ, head chaplain ng University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH), sa matinding pagkondena ng Society of Jesus Social Apostolate (SJSA) laban sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Bilang kinatawan ng simbahan at pribadong sektor na katuwang ng UP-PGH, binigyang-diin ni Fr. Ocon ang matinding pinsala ng katiwalian sa kalusugan at buhay ng mga mahihirap.

Ayon sa pari, maging ang UP-PGH ay biktima rin ng katiwalian sa flood control project na nagdudulot ng patuloy na pagbaha at labis pang nagpapahirap sa charity patients ng institusyon.

“Taon-taon na lang binabaha ang UP-PGH Manila, bilang isa sa mga saksi ng kahirapan na dinaranas ng ating mga maralitang kapatid na may sakit at lubhang naghihirap dahil sa kakulangan ng pondo, ang PGH Catholic Chaplaincy ay lubos na sumusuporta at nakikiisa sa panawagan at pahayag na ito ng Society of Jesus Social Apostolate,” pahayag ni Fr. Ocon.

Iginiit pa ni Fr. Ocon na ang pagmamalabis ng ilang opisyal ng pamahalaan sa kaban ng bayan ay labis na nakakakagalit, lalo na kung isasaalang-alang ang kalagayan ng mga Pilipinong patuloy na naghihirap dahil sa pagbaha at matinding kahirapan.

“Ang pinag-usapan na billion-billion na nilustay ay hindi lamang nakakadismaya o nakakalungkot, kundi totoong nakakagalit,” dagdag ni Fr. Ocon.

Una nang binigyang-diin ng Society of Jesus Social Apostolate ang ulat ng World Bank, Asian Development Bank, at International Monetary Fund noong 2024 na tinatayang ₱2 trilyon kada taon ang nawawala sa pamahalaan dahil sa katiwalian, bukod pa sa datos ni Senator Panfilo Lacson na halos ₱1 trilyon sa pondong inilaan para sa flood control projects sa nakalipas na dekada ay napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal at kumpanya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagnanakaw sa kabataan

 30,004 total reads

 30,004 total reads Mga Kapanalig, hindi lang sa mga flood control projects may scam. Tila may nakawán ding nangyayari sa mga paaralan!   Lumabas noong isang linggo

Read More »

Takót sa sariling multo

 70,320 total reads

 70,320 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 177,198 total reads

 177,198 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 221,863 total reads

 221,863 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 242,483 total reads

 242,483 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 107,731 total reads

 107,731 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top