Moral renewal, panawagan ng CEAP sa gitna ng government flood control projects scam

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,460 total reads

Kinundena ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) ang laganap na corruption sa Pilipinas na isang kalawang na kumakapit at sumisira sa sistema at istraktura ng gobyerno at pribadong sektor.

“Corruption in our country is so deeply rooted that we have long numbed ourselves to it. Recent events have unleashed public outrage, with mounting evidence of how corruption in infrastructure projects is entrenched in structures and systems of both government and the private sector,” ayon sa mensaheng ipinadala ng CEAP sa Radyo Veritas.

Itinuturing ng CEAP ang corruption sa proseso ng kamatayan na lumalason sa pag-asa, kumokunsinti sa kawalan ng hustisya at kasakiman.

Binigyan-diin ng CEAP na ang sistematikong corruption ay lumilikha ng mga sakim na lider ng pamahalaan at mga negosyante na kumikilos para sa pansariling interes at kapangyarihan.

Nagpahayag naman ang organisasyon ng mga katolikong paaralan sa Pilipinas ng suporta sa mga pagkilos na ituwid ang baluktot na sistema sa pamahalaan at pagbabago tungo sa pagkakaroon ng moral renewal sa mga namumuno sa pamahalaan at pribadong sektor.

“Pope Francis, in Evangelii Gaudium, warns that corruption “is a process of death” that hardens hearts, normalizes injustice, and poisons hope. It institutionalizes greed and deadens conscience, producing leaders and businesses driven by self-interest for wealth and power, brazen in corrupt acts, and callously indifferent to the suffering of the poor and powerless CEAP supports all calls to turn outrage into a sustained proclamation of hope, with firm commitment to change and moral renewal,” bahagi pa ng mensahe ng CEAP.

Umaapela ang CEAP sa mga Pilipino, lalu na sa mga kabataan na pinaigtingin ang pakikiisa at pagkilos laban sa laganap na korapsyon sa Pilipinas.

Hinikayat ng CEAP ang mga kabataan na gamitin ang kakayahan na labanan ang katiwalian sa pamamagitan ng pag-iingay at pagsasapubliko ng mga katiwaliang ginagawa ng mga opisyal ng pamahalaan kasabwat ang pribadong sektor sa iba’t-ibang social media platform.

Hinimok din ng grupo ang mga educator sa Pilipinas na paigtgingin pa ang paglilinang sa kaalaman ng mga kabataan na ang korapsyon ay sumisira ng moralidad at nagpapahirap sa mayorya ng mga Pilipino.

Aminado ang CEAP na kulang pa paghuhubog sa mga kabataan na maging huwaran at banal sa kanilang paninilbihan sa gobyerno at maging sa pribadong sektor.

Ito ang paninindigan ng CEAP sa pagkakasangkot ng maraming opisyal ng gobyerno, mga mambabatas at pribadong sektor sa multi-bilyong pisong flood control project scam.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 53,465 total reads

 53,465 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 92,151 total reads

 92,151 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 126,279 total reads

 126,279 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 182,684 total reads

 182,684 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top