Talamak na katiwalian sa Pilipinas, pagtataksil at pagnanakaw sa dignidad ng mamamayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 33,074 total reads

Nanindigan ang Conference of Major Superiors in the Philippines (CMSP) laban sa talamak na katiwalian sa bansa na tinawag nitong tahasang pagtataksil at pagnanakaw sa dignidad ng mga mamamayan.

Sa naganap na 45th Biennial Joint Convention ng CMSP sa Cebu City noong Setyembre 1–5, 2025, ay iginiit ng mga pinuno ng mga relihiyoso’t relihiyosa sa bansa na ang katiwalian ay hindi lamang isang simpleng kasalanan kundi isang sistemang pumipinsala sa kapakanan at kinabukasan ng mga mamamayan.

Kabilang sa partikular na tinukoy ng CMSP ang epekto ng katiwalian na nag-aalis ng opurtunidad sa edukasyon sa mga kabataan, nagsasantabi sa kalagayan ng mga may karamdaman, at nagtutulak sa milyon-milyong Pilipino sa kahirapan habang iilan lamang ang nagpapayaman.

“In our days together, we could not ignore the deep wound of corruption that bleeds our nation dry. We name it for what it is: a scandalous theft of the people’s dignity and a betrayal of the common good… Corruption is not an abstract sin; it is a system that robs our children of education, denies the sick of health care, and condemns millions of Filipinos to poverty while a few enrich themselves. It is the face of injustice that we encounter in every community, in every family forced to struggle because leaders have chosen greed over service.” Bahagi ng pahayag ng CMSP.

Binigyang-diin ng CMSP ang pagkadismaya nito sa mga ulat ng Transparency International at World Bank na nagsasabing kabilang ang Pilipinas sa pinakakorap o tiwaling bansa sa ASEAN, na may mababang antas ng tiwala sa pamahalaan at pananalapi.

“The Philippines ranks among the most corrupt countries in ASEAN, with Transparency International and the World Bank recording a steady decline in institutional quality and governance. Trust in government effectiveness, rule of law, and accountability continues to deteriorate.” Dagdag pa ng CMSP.

Kasabay nito, kinondena rin ng CMSP ang maling paggamit ng pondo ng bayan na dapat sana’y nakalaan sa kalusugan at edukasyon, lalo na sa gitna ng paglobo ng utang ng bansa matapos ang pandemya.

Ayon sa CMSP, mahalaga ang pagkakaisa ng lahat para sa pagkakaroon ng ganap na transparency sa mga kontrata ng pamahalaan lalo’t higit sa usapin ng buwis, at mga proyekto ng imprastruktura na para sa kapakanan ng mga mamamayan.

“The weight of corruption is felt in our national debt, which ballooned after the pandemic. Yet borrowed funds are squandered on phantom infrastructure projects and political patronage, while essential services like health and education endure crippling budget cuts.” Ayon pa sa CMSP.

Iginiit din ng CMSP ang pagsusulong ng taumbayan sa pananagutan sa paggamit ng pondo ng bayan at pagkakaroon ng hiwalay na imbestigasyon sa mga kaso ng korupsyon ng mga opisyal ng pamahalaan.

Kaugnay nga nito, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado at Kongreso kaugnay katiwalian sa flood control projects sa pamahalaan na layuning mapanagot ang mga sangkot sa katiwalian sa kaban ng bayan kung saan una ng inihayag ni Senator Panfilo Lacson na tanging 40-porsyento lamang ng pondo sa flood control projects ang tunay na napapakinabangan ng mamamayan habang ang iba ay napupunta sa substandard, unfinished projects at katiwalian sa kaban ng bayan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,717 total reads

 4,717 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,956 total reads

 58,956 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,747 total reads

 95,747 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 128,049 total reads

 128,049 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,703 total reads

 178,703 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 240,321 total reads

 240,321 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top