Senador Estrada at Villanueva, tumanggap ng “payola cut’ sa maanomalyang flood control projects sa Bulacan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,435 total reads

Nakiusap sa House Infrastracture Committee ang sinibak na DPWH engineer na si Brice Ericson Hernandez na huwag na siyang ibalik sa Senado, matapos niyang ihayag na may mga senador na sangkot sa maanomalyang flood control projects.

“Pwede ho bang ‘wag niyo na po ako ibalik sa Senate, Your Honor, kasi may mga involved pong senador dito at hindi ko po alam ang magiging kapalaran ko kung ibalik niyo ako doon,” pakiusap ni Hernandez sa InfraComm.

Si Hernandez na una nang idineklara ng Senate Blue Ribbon Committee na guilty of contempt.

Sa kanyang testimonya, sinabi ni Hernandez na ang kanyang dating boss na si Henry Alcantara, dating district engineer ng DPWH Bulacan First District na sinibak din sa puwesto, ang nag-utos ng mga “boxed cash withdrawals” na konektado sa ghost at substandard projects.

Nang tanungin kung si Alcantara lamang ang tumanggap ng pondo, inamin ni Hernandez na hindi niya kayang pangalanan ang iba dahil sa takot sa kanyang buhay at pamilya.

“Siyempre natatakot din po ako sa buhay ko at sa pamilya ko kasi hindi naman po birong tao ‘yung mga taong involved dito,” dagdag pa ng dating opisyal ng DPWH.

Sa gitna ng pagdinig, binanggit ni Hernandez sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva sa sinasabing anomalya sa flood control projects.

Ayon kay Hernandez, tumanggap ng 30 percent SOP si Villanueva sa ilang flood control projects sa Balagtas at Bocaue Bulacan sa taong 2023 na nagkakahalaga ng P600 M, at 30 percent din si Estrada sa P355 M projects sa Hagonoy at Malolos Bulacan.

Ang Infra Comm—binubuo ng Committees on Public Accounts, Public Works and Highways, at Good Government and Public Accountability—ay nagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga ghost at substandard flood control projects na kinasasangkutan ng DPWH 1st District Engineering Office at mga contractor gaya ng SYMS Construction Trading, St. Timothy Construction, at Wawao Builders.

Dumalo rin sa joint panel ng Kamara si dating DPWH Engineer Alcantara, Pacifico Discaya ng Timothy Construction, at Pasig City Mayor Vico Sotto.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,983 total reads

 63,983 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,846 total reads

 142,846 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 176,291 total reads

 176,291 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 211,590 total reads

 211,590 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 435,517 total reads

 435,517 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top