Ugnayan ng 2 senador sa sinibak na district engineer ng DPWH

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 24,896 total reads

Ipinakita ni Brice Ericson Hernandez, dating assistant district engineer sa Bulacan, ang mga larawan bilang ebidensya na magpapatunay ng ugnayan ng dalawang senador at ng dating DPWH district engineer na si Henry Alcantara, na tinanggal sa puwesto, kaugnay ng kickback sa flood control projects sa Bulacan.

Sinabi ni Hernandez, na nasa kustodiya ng Senado matapos ma-cite in contempt, na sina Senators Jinggoy Estrada at Joel Villanueva ay sinasabing nakinabang sa P955 milyon mula sa mga proyekto sa pamamagitan ng 30 porsyentong “SOP” o standard operating procedure.

Ipinakita rin ni Hernandez ang litrato ni Estrada kasama si Alcantara sa kaarawan ni Estrada sa Solaire Resort Hotel bilang patunay ng kanilang malapit na ugnayan.

“To be honest, Your Honor, I do not know when this picture was taken but I’m just trying to show that Mr. Alcantara, Engineer Henry Alcantara and Sen. Jinggoy Estrada have met a couple of times already,”ayon kay Hernandez. “They appear super close, Your Honor.”

Ipinakita rin ni Hernandez ang mga larawan ng bungkos ng pera na inihanda para ipamahagi.

“Your Honor, hindi ko alam kung sino. Basta kami inutusan nilang ayusin ang mga pera. Itong amount na ito para sa ganito, ‘ihanda mo dyan, may pagbibigyan niyan.’ Ganoon lang, sine-segregate namin ang mga pera.”

“As far as my knowledge is concerned, ibibigay po ‘yan sa tao. ‘Yung tinatawag na proponent na kausap niya.”

Nilinaw niya na ang mga larawan ng pera ay kuha sa isang pribadong tirahan na ginawang pahingahan, at hindi sa opisina.

Ipinakita rin niya ang mga screenshot ng Viber conversation na nag-uugnay kay Villanueva sa mga proyekto. Kinumpirma ni Engineer JP Mendoza ang mga larawan.

Yes, Your Honor, this is Sen. Joel Villanueva.”

Pinaliwanag ni Mendoza kung bakit kinuhanan ng larawan ang chat:
“Dahil disappearing message po ‘yan, hindi po niya pwedeng screenshot, pina-picture-an po niya para mabasa po.”

Idinagdag ni Mendoza na binanggit din sa mensahe ang dating DPWH Secretary Manuel Bonoan at ipinadala kay Alcantara.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 19,955 total reads

 19,955 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 128,542 total reads

 128,542 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 173,213 total reads

 173,213 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 195,419 total reads

 195,419 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 231,385 total reads

 231,385 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top