FIND, dismayado sa pagpapaliban ng confirmation hearing ng dating pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,096 total reads

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) sa pagpapaliban ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation hearing kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa ika-23 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa grupo, maituturing na dagok para sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ang pagkakaantala ng pagdinig sa kaso ng dating Pangulo na naglunsad ng marahas na War on Drugs mula ng maihalal noong 2016.

Pagbabahagi pa ng FIND, ang pagkaantala sa pagdinig ng kaso ni dating Pangulong Duterte ay isa ring masakit na paalala sa mga kapamilya ng mga biktima ng karahasan sa reyalidad ng kawalang katarungan at pagkakait ng hustisya sa bansa.

“For families who have endured the loss of loved ones through killings and enforced disappearances linked to his bloody “war on drugs,” this delay is not a mere technicality but rather another blow to their already long-denied pursuit of justice. Such postponement strengthens the climate of impunity in the Philippines and reinforces the painful reality that, for victims’ families, justice delayed is justice denied.” Bahagi ng pahayag ng FIND.

Ayon sa grupo, ang ICC ay itinuturing ng mga kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs na huling natitirang paraan upang kanilang makamit ang katotohanan, pananagutan, at katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag ng grupo, ang pagpapaliban sa nasabing pagdinig na isang mahalagang bahagi ng paglilitis sa mga kaso ng dating Pangulo ay isang banta sa pag-asa ng mga taong matagal nang naghintay katarungan at pagkilala sa pagdurusa at mga karapatan ng mga biktima ng karahasan.

Nananawagan naman ang FIND sa ICC na tiyakin ang pagbibigay katarungan sa lahat ng mga biktima ng karahasan lalo’t higit ang mga pinaslang upang mapagaan ang dinadala ng kanilang mga mahal sa buhay na matagal ng naghahangad ng hustisya para sa kanilang mga kapamilya.

“FIND calls on the ICC to ensure that justice is pursued without undue delay and that the voices of victims and their families remain at the center of its processes. Each day of postponement adds to their pain, but families remain steadfast in their demand for truth, justice, and accountability. Justice is long past overdue. Families and victims must not be made to wait any longer.” Dagdag pa ng FIND.

Sa datos ng FIND, may 56 na kaso ng sapilitang pagkawala ang naitala ng grupo na may kaugnayan sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,601 total reads

 5,601 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,231 total reads

 30,231 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,790 total reads

 70,790 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,272 total reads

 97,272 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,538 total reads

 145,538 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,251 total reads

 166,251 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 24,224 total reads

 24,224 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top