AB) ang lisensya ng siyam (9) na construction firms ng mga Discaya.
Bukod dito, kinumpiska na rin ng Bureau of Customs (BOC) ang 12-luxury cars ng mag-asawang kontraktor. Nakadagdag sa sugat, walo (8) sa 12-luxury cars ay walang record ng pagpasok sa bansa.,sabit na naman sa smuggling. Sinasabi ng LTO may record sila ng 40-sasakyan ng mga Discaya.
Agree tayo Kapanalig na may pananagutan ang mag-asawang Discaya. Subalit sila ay kasangkapan lamang., galamay lamang ang mag-asawa ng mas matinding mga “honorable hoodlums”., mga matitinik na masterminds.
Ang 15-kumpanya na pinangalanan ni PBBM na sangkot sa katiwalian sa flood control projects ng pamahalaan ay mga kasangkapan lamang. Kung wala ang mga arkitekto na nag-disenyo ng proyekto ay wala ding napala ang mga flood control contractor.
Ang mga opisyal ng DPWH., COA.,PCAB., DBM ay sumunod din lamang sa kumpas ng mga punong-kaporal sa anumalya. Ito ay mga naka-disguise nahonorable., sila ang ating inihalal na mga mambabatas.Trabaho nila ay gumawa dapat ng mga batas., pero pinasok na nila ang “money building scheme”.
Sila dapat ang ating tinutugis, binabato ng putik sa mukha, pinapanagot sa pagbulsa at pagwaldas sa pera ng bayan. Dapat ang mga walang kahihiyang mambabatas na ito ay ituring na “persona non-grata”!
Kapanalig, mayroong payo si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga sangkot sa laganap na katiwalian sa flood control projects ng gobyerno. “The time for silence has passed. To those who have erred: step forward. Speak truth. Restore what has been taken. The time for repentance is now-not tomorrow, not when it is convenient. Let justice begin with you.”
Hindi po nakakahiyang makonsensya, magsisi at magbayad-puri upang maituwid ang anumang pagkakamali. Sa bawat pisong nasayang sa flood control projects, katumbas nito ang kalbaryong dinaranas ng mamamayan sa tubig-baha., dala nito ang panganib sa kabuhayan at buhay ng mamamayan.
Sumainyo ang Katotohanan.






