Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 59,596 total views

Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang larawang ipinakita ng dating engineer ng DPWH na si Brice Ericson Hernandez sa isang pagdinig noong isang linggo ng Kamara hinggil sa mga flood control projects

Sa isang mesa, makikita ang bultu-bultong pera, di-mabilang na sanlibong pisong naka-bundle at patung-patong na nakasalansan. Kinunan daw niya ng larawan ang mga ito dahil iyon ang unang beses na nakakita siya ng ganoong karaming pera. Sa tanggapan ng Bulacan First Engineering Office daw kinunan ang litrato. Ipamimigay daw ang pera sa mga project proponents, pero hindi na matandaan ng dating opisyal ng DPWH kung sinu-sino ang pinadalhan ng mga ito. Ang sigurado siya, aniya, ay “normal” na sa opisina nila ang pagbabagsak ng limpak-limpak na salapi.

Samantala, sa Senado, ibinunyag ni Senador Ping Lacson ang tinagurian niyang “BGC” o “Bulacan Group of Contractors”. Kasama sa mga ito Engr Hernandez at ang boss niyang si dating Bulacan First District Engineer Henry Alcantara. Lumutang sa research na ginawa ng opisina ng senador na bilyung-bilyong piso ang naipapanalo ng mga dating kawani ng DPWH sa mga pinagsusugalan nilang casino sa Metro Manila, Cebu, at Pampanga. Gamit ang pekeng ID, naipapalit nila sa bilyung-bilyong piso ang mga chips na ginagamit nila sa pagsusugal. Hindi tayo pamilyar kung paano nga ba nananalo sa casino, pero nakapag-uwi ang mga miyembro ng BGC ng hanggang 300 milyong piso mula lamang sa isang casino sa Pasay. Pinepeke raw nila ang kanilang pagkapanalo para maibulsa ang pera.

Ilang silid-aralan na kaya ang kayang ipatayo gamit ang mga perang ito? Ilang dialysis patients na ang mabibigyan ng financial assistance? Ilang pamilya na kaya ang mapapakain? Ilang kababayan natin kaya ang hindi na magtitiis sa baha kung naipatayo lamang nang maayos ang mga proyektong pinaglaanan ng perang ito? 

Lantaran tayong ninanakawan, mga Kapanalig. 

Umiinit ang ulo at kumukulo ang dugo natin sa mga balita tungkol sa katiwalian sa mga flood control projects. Pero mabigat man sa ating dibdib ang mga nangyayari, huwag naman sana tayong umabot sa puntong ilalagay ng taumbayan sa kanilang kamay ang batas. Nakita ba ninyo ang mga nangyayari sa Indonesia at Nepal? Galit na ang mga tagaroon sa laganap na korapsyon sa kanilang pamahalaan. Sinusunog na ang mga pasilidad at gusali ng gobyerno. Inihuhulog sa ilog ang mga nakikita nilang pulitiko. Hinaharangan na ang mga paliparan para hindi makatakas ang mga nais papanagutin ng taumbayan. Nananalig tayong kaya nating manawagan ng pagbabago nang hindi gumagamit ng karahasan.

Gayumpaman, hindi rin natin gustong maglaho na lamang na parang bula ang mga isyung napakalaki ng epekto sa ating buhay. Huwag sanang tantanan ng media ang mga ghost projects. Tulungan sana nila tayong ungkatin ang katotohanan. Magbunga sana ang mga imbestigasyong ginagawa sa Kongreso at matukoy kung sinu-sino nga ba ang nasa likod ng mga anomalya sa mga proyektong dapat pinakikinabangan natin. Maging epektibo sana ang bubuuing independent commission na mag-iimbestiga sa mga ito. 

Sa huli, dapat papanagutin sa batas ang lahat ng tiwali. Habulin ang mga opisyal ng gobyernong katulad ng mga inilalarawan sa Isaias 1:23 na mga “kasabwat ng mga magnanakaw; tumatanggap ng mga suhol at mga regalo.” Habulin din ang mga private contractors na pinagkakakitaan ang kalbaryo ng marami. Papanagutin din ang mga nagbibigay ng “mga suhol at mga regalo.” 

Mga Kapanalig, sabi nga ng CBCP sa isang sulat-pastoral ukol sa katiwalian sa flood control, “kung bumabaha dahil ninanakaw ang pondo ng bayan, mas malala ang bahang dulot ng katiwalian na nilulunod ang kinabukasan ng ating bansa.” Hayaan ninyo akong hiramin pa ang mga salitang ito mula sa liham: “sama-sama nating iahon ang bayan sa baha ng katiwalian.”

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 15,293 total views

 15,293 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 43,644 total views

 43,644 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,374 total views

 111,374 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 134,525 total views

 134,525 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 203,641 total views

 203,641 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ibinasurang paraiso

 15,294 total views

 15,294 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 43,645 total views

 43,645 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 111,375 total views

 111,375 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 134,526 total views

 134,526 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »
Scroll to Top