Cardinal Advincula, nanawagan sa mamamayan na manindigan para sa pananagutan at katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,939 total reads

Mariing kinundena ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang talamak na korapsyon na patuloy na nagpapahirap sa bansa, at nanawagan sa mamamayan na manindigan para sa pananagutan at katarungan.

Sa kanyang pastoral statement, binigyang-diin ng arsobispo na ang katiwalian ay hindi lamang bunga ng kasakiman kundi isang anyo ng kasamaan na sumisira sa dangal ng tao at lipunan.

“Corruption is more than just a manifestation of greed. It is a concrete form of evil. If left unchecked, society will be ruined by it, including the core of our humanity, that is, our dignity,” ani Cardinal Advincula.

Paliwanag ng arsobispo, ang mga kilos-protesta laban sa katiwalian ay hindi simpleng usaping pampulitika kundi isang moral na paninindigan at tungkulin ng mamamayan upang sugpuin ang kasamaan.
“In a healthy democracy, the people’s fiscalizing participation in governance is not confined to the election season. Rather, it continues between elections, by holding leaders accountable through acts of vigilance, discernment, and—when necessary—protest,” dagdag pa niya.

Nanindigan ang arsobispo na may mahalagang papel ang Simbahan sa paggabay sa mamamayan upang hindi gawing partidong usapin lamang ang korapsyon. Iginiit din ng cardinal na ang pulitika, kapag isinabuhay nang tapat, ay maaaring maging tunay na paglilingkod sa bayan.

“Politics is not hopelessly irredeemable. Politics can become ‘the highest form of charity’ when true to its vocation,” aniya.

Kasabay nito, nakikiisa si Cardinal Advincula sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa panawagan laban sa mga tiwaling gawain at sa paghiling ng pananagutan mula sa mga sangkot.

“I enjoin all parishes, shrines, chaplaincies, mission stations, and religious communities to conduct prayerful reflections, circles of discernment, and peaceful and non-violent actions against corruption,” pahayag ng Cardinal.

Bilang paalala sa pananampalataya, iginiit ni Cardinal Advincula ang pagiging maka-Diyos ay kaakibat ng pagiging makabayan:

“Ang totoong maka-Diyos ay makabayan, dahil kabayanihan ang dulot ng kabanalan; at sa totoong kabanalan, kasama ang paglilingkod para sa katarungan.”

Sa huli, nanalangin ang Cardinal para sa pananaig ng katarungan at kapayapaan sa puso ng bawat Pilipino upang makamtan ang tunay na pagbubuklod ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 128,788 total reads

 128,788 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 162,117 total reads

 162,117 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 194,261 total reads

 194,261 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 260,324 total reads

 260,324 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 271,240 total reads

 271,240 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top