Paalaala kaugnay sa kilos protesta sa Sept.21: “Let your voices thunder, but your hands stay clean”-Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,674 total views

Nanawagan si Antipolo Bishop Ruperto Cruz Santos sa kabataan at mamamayan na makiisa sa isasagawang kilos-protesta sa Setyembre 21 bilang panawagan at pagtutol sa malawakang katiwalian sa pamahalaan.

Ang pagkilos na gaganapin sa Edsa Shrine at Luneta ay nataon din sa paggunita sa ika-53 anibersaryo ng pagdedeklara ng Martial Law ng dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ng Obispo na ang pag-aalala sa nakaraan ay dapat maging panawagan para sa katarungan at katuwiran.

“Fifty-three years will have passed since Martial Law was declared—a time that wounded our nation’s soul. And on that day, our young people will rise again, not in violence, but in truth,” ayon kay Bishop Santos.

Ayon sa Obispo, ang bilyun-bilyong pisong nawaldas sa flood control ay hindi lang numero kundi katumbas ng mga nasirang tahanan, mga nalunod na pananim, at mga gumuhong pangarap.
Idinagdag pa niya na ito ay malinaw na paglabag sa utos ng Diyos, ang “Huwag Magnakaw.”

Tinukoy din ng Obispo ang mga politiko, kontratista, at ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na dapat managot at ibalik ang ninakaw na pondo.

“They must return what they have stolen, face the courts of justice, and ultimately, the judgment of God,” giit ni Bishop Santos.

Gayunpaman, nanawagan siya sa kabataan na manatiling mapayapa at huwag hayaang lamunin ng galit ang kanilang pagkilos.

“Let your voices thunder, but your hands stay clean. Do not let anger consume you. The Lord sees your pain. He hears your cries. And He will not be mocked,” dagdag pa ng Obispo.

Binanggit din ni Bishop Santos na ang naturang martsa ay dapat maging “prayer in motion” at patunay na ang kabataang Pilipino ay gising at hindi bingi sa panawagan ng bayan.

“Let justice roll down like waters, and righteousness like an ever-flowing stream,” paalala ng Obispo na hango mula sa aklat ni Amos.

Ipinapanalangin din ng Bishop Santos na nawa ay gabayan ng Espiritu Santo ang mga lalahok sa payapang pagtitipon at palakasin ni Kristo ang kanilang loob, habang kasama nila sa paglalakbay ang mapaghimalang Birhen ng Antipolo, Our Lady of Peace and Good Voyage.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi lang ‘for the content’

 28,836 total views

 28,836 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 202,770 total views

 202,770 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 180,403 total views

 180,403 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Trabaho lang, walang personalan

 243,476 total views

 243,476 total views Mga Kapanalig, naging mainit kamakailan ang mga eksena sa Senado matapos ang tensyon sa pagitan nina Senador Robin Padilla at Senador Francis “Kiko“

Read More »

Serbisyo para kanino?

 261,140 total views

 261,140 total views Mga Kapanalig, si Senador Alan Peter Cayetano na ngayon ang bagong Senate President, kapalit ni Senador Vicente “Tito” Sotto III.  Marami sa mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top