Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 26,857 total views

25th Sunday of Ordinary Time Cycle C

Am 8:4-7 1 Tim 2:1-8 Lk 16:1-13

Kapag binubuksan natin ang ating TV o ang ating radio sa mga balita, naiinis lang tayo. Ang mga balita ay tungkol na lang sa maraming kasamaan – corruption, guerra, patayan, pandaraya. Totoo, may mga kasamaan din na dala ng kalikasan tulad ng baha o lindol. Pero ang mga epekto nito ay pinapalala dahil sa corruption at mga ghost projects. Bilyon-bilyong pera ng bayan ay nawawala at hindi napapakinabangan ng taong bayan dahil sa mga katiwalaan. Parang kalat na kalat na ang kasamaan at malawak ang epekto sa maraming tao.

Pero kung susuriin natin, hindi naman marami ang gumagawa ng masama. Marami naman sa mga tao na kilala natin ay hindi masasama. Kakaunti lang ang talagang gumagawa ng masama. Marami sa mga kawani ng pamahalaan ay hindi naman corrupt. May mga opisyales ng gobyerno ay matitino naman. Hindi naman lahat ng mga Israelis ay gusto ng digmaan. Mga leaders lang naman ng Israel na mga rightists ang gustong gutumin at ubusin ang mga Palestinians. May mga Russian soldiers na tumatakas sa labanan. Ayaw nila ng digmaan sa Ukraine. Si Putin lang naman at ang mga cronies niya ang ibig sakupin ang Ukraine.

Ang mga masasama ay hindi naman marami pero desidido sila at mapamaraan sa paggawa ng masama. Ito ay ipinakita sa atin ni propeta Amos sa ating unang pagbasa. Ang mga masasama ay sumusunod naman sa batas ng Diyos na ipangilin ang Araw ng Pamamahinga. Hindi sila nagbi- business sa araw na ito. Kunwari nagpapahinga sila pero wala ang puso nila sa pagsamba sa Diyos. Naiinip nga sila na hindi sila makapag-business. Gustung gusto na nilang magtinda at nagplaplano pa sila paano mandaya sa kanilang pagtitinda. Dadayain nila ang timbangan. Tataasan ang presyo. Pati ang mga walang pakinabang tulad ng tulyapis ng trigo ay kanila pang ibebenta. Aapihin nila ang mga dukha na sila ay ipagbibili na mga alipin kahit na sa halaga lamang ng sandalyas. Nagplaplano ang masasama paano kumita kahit na dayain pa ang iba.

Ganoon din ang ginawa ng katiwala na hindi tapat sa ating ebanghelyo. Noong papaalisin na siya ng kanyang amo dahil sa kanyang kapabayaan, nagplano na siya paano siya mabubuhay pagkatapos na mapaalis siya. Mawawalan na siya ng trabaho. Ang naisip niya ay lokohin pa ang kanyang amo. Kukunin niya ang loob ng mga cliente ng amo niya. Babaguhin niya ang mga resibo ng mga may utang sa kanyang amo at papaliitin ang kanilang mga utang. Kung mawala na siya sa poder, tatanggapin siya ng mga taong ito dahil sa pinagbigyan niya sila.

Ang nakakataka ay pinuri ang di tapat na katiwalang ito ng kanyang amo noong malaman niya ang katiwalian na ginawa niya. Narinig natin ang sinabi si Jesus: “Pinuri ng panginoon ang magdarayang katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga maka-sanlibutan ay may mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos.”

Mga kapatid, ang mga makamundo, ang mga makasalanan at ang mga masasama ay matalino na gumawa ng pamamaraan upang ipalaganap ang kanilang plano at palawakin ang kanilang influensiya. Hindi ganoon kasigasig ang mga taong mabubuti. Pabaya sila sa pagpapalaganap ng kabutihan. Wala nga silang pakialam kung kumalat ang kabutihan o hindi. Kontento na lang sila na sila ay mabuti. Hindi sila nagsisikap na influensiyahan ang iba sa kabutihan. At ang masama pa, wala silang pakialam sa kasamaan na nangyayari. Hinahayaan na lang nila na lumago at kumalat ang kasinungalingan, ang kasamaan at ang pandaraya. Hindi kailangan na marami ay maging masama para lumala ang kasamaan. Sapat na may iilang masasama ang nagpapakalat nito at ang karamihang hindi masama ay hinahayaan lang lumaganap ito. Ang hindi pakikialam ng hindi masama ay ang dahilan sa pagkalat ng kasamaan.

Ilan lang naman ang mga corrupt sa barangay, pero ang mga tao ay tahimik lang sa katiwalian na nangyari kaya patuloy at lumalaki ang corruption.

Bakit ba tumatahimik lang ang mga taong hindi gumagawa ng masama? Akala nila na mabuti sila kasi hindi sila gumagawa ng masama. Hindi! Sa katahimikan nila lumalala ang kasamaan kaya naging bahagi sila sa paglawak ng kasamaan. Hindi sapat na hindi gumagawa ng masama. Gumagawa ba tayo ng mabuti? Pinipigilan ba natin ang kasamaan? Kung tayong lahat ay pupunahin natin ang masasama, hindi sila mangangahas na gumawa ng kahihiyan, at talagang kahihiyan ang kasamaan! Kung bibistuhin ang mga nagsisinungaling, ang nandaraya, ang nagnanakaw, ang corrupt – hindi sila dadami at hindi lalaganap ang kanilang kasamaan. Huwag po tayong matakot na manindigan. Huwag lamang tayo mananahimik. Magsalita at makialam tayo. Sa panahon ng social media tayong lahat ay maaaring magsalita. I-bush natin ang kasamaan. Sabihin natin na itigil na ng Israel ang digmaan sa Gaza. Sabihin nating lahat sa social media na ikolong na ang mga corrupt, lalo na ang mga corrupt na mambabatas.

Si Jesus mismo ay hindi nanahimik sa kayabangan at sa pagkukunwari ng mga Pariseo at Saduceo, ang mga leaders ng kanyang bayan. Dahil nagsalita siya kaya siya ay pinahuli, pinagbintangan, hinatulan at ipinapatay. Nanindigan si Jesus. Hindi niya hinayaan na patuloy dayain at pagsamantalahan ng mga leaders ang mga tao. Itong Jesus ang sinusundan natin at tinutuluran natin. Manindigan tayo at itaguyod ang kabutihan!

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Instrumento ng karahasan

 16,644 total views

 16,644 total views Mga Kapanalig, may panibago na namang bahid sa imahe ng kapulisan. Hindi pa nga nila lubusang nalilinis ang kanilang hanay mula sa pagiging

Read More »

Mga tambakang punô ng panganib

 58,536 total views

 58,536 total views Mga Kapanalig, mahigit isang linggo na ang nakaraan ng simulang mabalot ng usok o haze ang ilang bahagi ng Metro Manila at Bulacan.

Read More »

Sabotahe sa Ayungin Shoal

 112,579 total views

 112,579 total views Mga Kapanalig, may namataan ang Philippine Navy nito lamang Marso na bangkang pangisda mula sa China na umaaligid sa Ayungin Shoal. Dito nakumpiska

Read More »

Sa loob ng 24 oras

 140,172 total views

 140,172 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 156,831 total views

 156,831 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily April 26, 2026

 2,913 total views

 2,913 total views 4th Sunday of Easter Cycle A Good Shepherd Sunday World Day of Prayer for Vocations Acts 2:14.36-41 1 Pt 2:20-25 Jn 10:1-10 Kinikilala

Read More »

Homily April 19 2026

 8,407 total views

 8,407 total views 3rd Sunday of Easter Cycle A Acts 2:14.22-33 1 Pt 1:17-21 Lk 24:13-35 Ikatlong Linggo na ngayon ng muling pagkabuhay ni Jesus. Excited

Read More »

Homily April 12 2026

 13,101 total views

 13,101 total views 2nd Sunday of Easter Cycle A Divine Mercy Sunday Acts 2:42-47 1 Pt 1:3-9 Jn 20:19-31 Ang Muling Pagkabuhay ay nagdadala ng pagbabago.

Read More »

Homily April 5, 2026

 15,379 total views

 15,379 total views Easter Sunday Cycle A Acts 10:34. 37-43 Col 3:1-4 Jn 20:1-9 Happy Easter sa inyong lahat! Ito ang pinakadakilang kapistahan sa buong taon

Read More »
Scroll to Top