Pati ba naman mga silid-aralan?

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 101,592 total reads

Mga Kapanalig, hindi na lingid sa ating kaalaman ang problema natin sa kakulangan ng silid-aralan sa ating mga pampublikong paaralan. Pero ang malamang nadamay din ang pagpapatayo ng mga ito sa posibleng katiwalian sa DPWH ay sobra-sobra na. 

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni DepEd Secretary Angara na hindi raw bababa sa sanlibong mga classrooms na ipinatayo ng DPWH ang maituturing na structurally defective at substandard.  Karamihan sa mga silid-aralan na ito ay hindi napinturahan at walang kuryente, kaya hindi mapakinabangan hanggang ngayon. 

Hindi naman daw maituturing na ghost projects ang mga ito. May mga naipatayo naman at nai-turnover na sa pangangasiwa ng mga paaralan, pero hindi naman masasabing tapos at kumpleto. Matagal na raw ang problemang ito, dagdag ng kalihim ng DepEd. Hindi naman direktang sinabi ng DepEd na may katiwaliang nangyari sa pagpapatayo ng DPWH ng mga silid-aralan. Posible rin daw kasing kulang ang pondo o kaya naman ay hindi mabigyang-prayoridad ng DPWH ang konstruksyon ng mga classrooms dahil nakatuon ito sa iba pang mga proyektong pang-imprastraktura. Kaya naman, iminungkahi ni Secretary Angara na ilipat na ang trabahong magtayo ng mga paaralan sa mga local government units (o LGU).

Matagal nang may kinahaharap na problema ang DPWH sa pagpapatayo nito ng mga silid-aralan para sa DepEd. Bago pa man ang pandemya, mabagal na ang produksyon ng DPWH ng mga classrooms. Taóng 2020—administrasyon pa ni dating Pangulong Duterte—nang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian na umaabot ng dalawang taon para tapusin ng DPWH ang isang silid-aralan lamang. Paano makakasabay ang ating mga paaralan sa pagdami ng mga estudyante kung ganito kabagal ang gobyerno sa pagpapatayo ng mga classrooms? 

Dahil sa kakulangan ng mga classrooms, napipilitang mag-aral ang mga estudyante sa maiinit at masisikip na silid-aralan. Ang kakulangan ng classrooms ay pinalalalâ pa ng ibang problema gaya ng kakulangan ng mga upuan at kawalan ng maayos na kuryente para komportable namang makapag-aral ang mga estudyante. 

Napakahalagang nakakamit ng ating kabataan ang dekalidad na edukasyon para makasabay o makahabol sila sa mga hinihinging kaalaman, kakayahan, at kasanayan para solusyunan ang mga nagpapatuloy at umuusbong pang mga problema sa ating mundo ngayon. Sa Catholic social teaching na Fratelli Tutti, tinalakay ng yumaong Pope Francis kung paanong ginagawang posible ng edukasyon na linangin ng bawat tao ang kanyang kinabukasan habang nakikibahagi sa lipunang kanyang ginagalawan. Paalala pa atin sa Mga Kawikaan 22:6: “Ituro sa bata ang daang dapat niyang lakaran, at hanggang sa paglaki’y di niya ito malilimutan.” Malaki ang papel ng edukasyon sa tungkuling inilalarawan ng mga salitang ito mula sa Banal na Kasulatan. 

Pero paano nga ba natin maibibigay ang edukasyong tutulong sa mga batang tahakin ang daang dapat nilang lakaran at tutulong sa kanilang linangin ang kanilang kinabukasan kung kulang ang mga silid-aralan sa kanilang eskuwelahan? Patunay ang kakulangan ng classrooms sa ating bansa na sa huli, kawawa ang mga karaniwang mamamayan—kasama ang kabataan—kapag palpak ang pamamahala, kapag mabagal kumilos ang mga ahensya, at kapag hindi masinop ang mga ito sa paggugol ng perang ipinagkatiwala nating pangasiwaan nila. 

Mga Kapanalig, huwag lang tayo mag-pokus sa mga flood control projects ng DPWH. Sanga-sanga ang epekto ng mga pagkukulang ng DPWH. Damay pa ang ibang ahensya at ang mga serbisyong tungkulin nilang ihatid sa publiko. Ang natuklasan ng DepEd na kalidad ng mga gusaling ipinatayo ng DPWH ay dapat ding pagtuunan ng pansin ng mga mambabatas at bantayan ng taumbayan bilang mga nagbabayad ng buwis. Hindi na tayo magtataka kung sadyang tinipid ang mga classrooms na ito para lang may maibulsa ang mga kurakot. 

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,295 total reads

 81,295 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,734 total reads

 115,734 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,034 total reads

 151,034 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,303 total reads

 377,303 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,346 total reads

 266,346 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 81,296 total reads

 81,296 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,735 total reads

 115,735 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,035 total reads

 151,035 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,304 total reads

 377,304 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top