Public Safety Nalalagay Sa Peligro Dulot Ng Corruption

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 115,902 total reads

Nakakalungkot ang trahedyang nangyari sa Cebu, 72-katao ang namatay sa 6.9 magnitude na lindol sa yumanig sa lalawigan., 294 katao ang nasugatan at mahigit sa 20,000 ang lumikas sa kanilang tahana habang mahigit sa 600-bahay ang winasak ng lindol.

Dahil sa malakas na lindol, marami sa mga pangunahing imprastraktura ang nasa panganib na estado, ang masaklap ay nagiba. Sinasabi ng maraming mamamayan na hindi basta-basta mabubuwal ng malakas na lindol ang San Remigio Sports complex, pero dahil sa substandard na paggawa, gumuho ito.

Inamin mismo ni DPWH Engineer Brice Hernandez na lahat ng gusali na kanilang itinayo ay substandard dahil sa kurakot. Mura at mahihinang materyales ang ginamit sa konstruksyon. Ngunit, walang patunay na ang mga nawasak at gumuhong imprastraktura sa Cebu ay produkto ng korapsyon.

Hindi malayo ang ganitong trahedya sa pananalasa ng natural na kalamidad tulad ng lindol na tumama sa Cebu. Ang malinaw Kapanalig, nalalagay sa panganib ang public safety dahil sa korapsyon. Naranasan at nasaksihan natin ang pinsalang dulot ng mga depektibong flood control project sa Metro Manila at karatig lalawigan, mayroong nasawi nang malunod sa rumagasang tubig baha, maraming bahay ang naanod at nalubog sa mabilis na pagtaas ng tubig tuwing umuulan., maraming pananim ang nasira, maraming lansangan ang hindi madaanan., maraming kabuhayan ang winasak ng baha.

Sinasabi na mayroong dalawang trahedya na dulot ang korapsyon. Una-financial aspect kung saan ang pondo ay pinaghati-hatian habang tinipid at barya na lamang ang ginastos sa mga proyekto. Kung wala ang korapsyon, matitibay sana ang mga proyekto., pinapahina nito ang quality ng public investments. Pangalawa-matindi ang epekto nito sa mga mahihirap at mga bulnerable, pinapalala ng corruption ang “inequality”, nawawalan ng access ang mga kapuspalad sa kalusugan, edukasyon, tubig, elektrisidad at iba pang serbisyo publiko.

Dahil sa korapsyon, tumataas ang daily cost of living, tumataas ang bayarin sa tubig, kuryente, pinapasan ng mga ordinaryong mamamayan ang mataas na pamasahe, mataas na presyo ng pagkain at pangunahing pangangailangan. Tumataas din ang bilang ng mga walang trabaho, kung saan dadami ang maghahangad na mangibang bansa para magtrabaho.

Alam nating lahat, mahigit-kumulang sa 20-bagyo ang tumatama sa Pilipinas kada-taon. Hindi na nakakagulat ang World Risk Report 2025 kung saan ang Pilipinas ang bansang may pinakamataas na panganib sa sakuna sa buong mundo. Dahilan nito ay mga pagbaha sa mababang lugar na pinalala ng urbanisasyon.

Kapanalig, kung hindi masasawata at matutuldukan ang sistematikong korapsyon sa alinmang sangay ng pamahalaan, lalong malalagay sa panganib ang buhay ng maraming Pilipino, ang pondong nakalaan sa serbisyo publiko ay nalulusaw lamang at hindi napapakinabangan ng taumbayan.

Kinilala ng Compendium of the Social Doctrine of the Church (447) ang political corruption is one of the causes that greatly contributes to underdevelopment and poverty especially in developing countries. The people who suffer the worst brunt of political corruption are the poor and the powerless.”

Sinasabi naman ng Exodus 6:8-“You shall not pervert the justice due to your poor in his suit…And you shall take no bribe, for a bribe blinds the officials and subverts the cause of those who are in the right.”

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,839 total reads

 75,839 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,684 total reads

 110,684 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,984 total reads

 145,984 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,253 total reads

 372,253 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,531 total reads

 261,531 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Just energy transition sa Semirara

 75,841 total reads

 75,841 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,686 total reads

 110,686 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 145,986 total reads

 145,986 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,255 total reads

 372,255 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »
Scroll to Top