Total transparency sa imbestigasyon ng flood control scam, hiling ng CBCP sa ICI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,949 total reads

Mariing nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga opisyal ng pamahalaan na tiyakin ang pag-iral ng katotohanan at integridad sa gitna ng mga imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa mga flood control project sa bansa.

Sa panibagong pahayag ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na may titulong “Let the Truth Flow Freely,” ay binigyang-diin ng Kalipunan ng mga Obispo na ang anumang tangkang hadlangan o ilihis ang isinasagawang imbestigasyon ay lalo lamang magpapalalim sa hinalang may nagaganap na cover-up o pagtatakip ng katotohanan mula sa publiko.

Giit ng CBCP, dapat na pahintulutan na palakasin ang mandato ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nilikha upang maibalik ang tiwala ng publiko, at tiyaking maisasagawa nito ng malaya at walang anumang bahid pulitika o panghihimasok mula sa alinmang sanggay ng pamahalaan ang imbestigasyon ng katiwalian.

“The Filipino people are watching closely. After the revelations of massive anomalies in flood control projects, any move to change Senate leadership or redirect investigations now would only heighten public suspicion of a cover-up. We, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, call on all public officials to uphold the integrity of the ongoing inquiries into the flood control corruption scandal. The Independent Commission on Infrastructure (ICI) was created precisely to restore public trust. It must be empowered to investigate fully and freely, without political interference from any branch of government.” Bahagi ng pahayag ng CBCP.

Kabilang sa mariing panawagan ng CBCP sa ICI ang ganap na transparency sa lahat ng proseso at ulat sa isinasagawang imbestigasyon; ang malayang pag-access sa mga dokumento at testigo; ang pagsasapubliko ng mga budget insertions at project allocations; at ang proteksyon para sa mga whistleblowers at mga kawani ng pamahalaang nagsisiwalat ng katiwalian.

Binigyang-diin din ng Kalipunan ng mga Obispo na hindi makakamit ng bansa ang tunay na katarungan at paghilom kung patuloy na iiral ang katiwalian at kasakiman para sa pansariling interes ng mga opisyal ng pamahalaan na makasasama sa “moral arteries” o moralidad ng lipunan.

Hinamon naman ng CBCP ang parehong sangay ng Kongreso at Malacañang na patunayan na ang kanilang katapatan sa paglilingkod para sa common good at hindi para sa pansariling interes sa kapangyarihan bilang “defining moment for public accountability” lalo na ng mga halal na opisyal ng bayan.

“We strongly oppose any attempt to pre-empt or derail the investigation through backroom deals, leadership takeovers, or selective justice. A nation cannot heal when its moral arteries are clogged by corruption and self-interest. This is a defining moment for public accountability. We urge both Congress and Malacañang to prove that they serve the common good, not partisan power. Let the truth flow freely. Let the ICI do its work — thoroughly, transparently, and without fear or favor.” Dagdag pa ng CBCP.

Kasabay nito, hinikayat din ng CBCP ang sambayanang Filipino na makiisa sa National Day of Prayer and Public Repentance o Pambansang Araw ng Panalangin at Pagsisis ng buong Sambayanang Pilipino sa darating na Oktubre 7, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na idaraos bilang panawagan para sa awa ng Diyos at lakas ng loob ng mga naninindigan sa katotohanan.

“No to a whitewash. Yes to full accountability. Only through truth can our nation begin to rebuild trust and ensure that flood control no longer becomes another flood of corruption. Today, we also invite you to a NATIONAL DAY OF PRAYER AND PUBLIC REPENTANCE.” Paanyaya pa ng CBCP.

Una ng inihayag ni Cardinal David na ang gawain ay bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality— na sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos upang magkaroon ng patuloy na pag-asa ang bawat isa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,041 total reads

 23,041 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 7,051 total reads

 7,051 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 47,614 total reads

 47,614 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 75,212 total reads

 75,212 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 123,477 total reads

 123,477 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 145,282 total reads

 145,282 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 23,042 total reads

 23,042 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 24,073 total reads

 24,073 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top