CGG, nanindigang katarungan at pananagutan muna bago ang snap election

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,956 total reads

Nanawagan ang Clergy for Good Governance (CGG) na unahin muna ang katarungan at pananagutan sa katiwalian bago pag-usapan ang halalan.

Ayon sa grupo, hindi snap election ang solusyon sa krisis ng bansa kundi paggising ng budhi at pananagutan ng mga namumuno.

“The answer to corruption is not a snap election—it is a snap of conscience,” ayon sa pahayag ng mga pari.

Ayon sa CGG, bilang mga pari, batid nila ang tunay na kalagayan ng mga karaniwang Pilipino—ang inang kailangang mamili sa pagitan ng pagkain at gamot, ang amang nahihiyang hindi mapag-aral ang anak, at ang mga pamilyang napipilitang mangibang-bansa dahil sa kawalan ng pag-asa sa sariling bayan.

Hiniling ng grupo na managot ang lahat ng sangkot sa pandarambong, anuman ang kanilang katayuan sa gobyerno.

“Do justice first for our people. Let them face the law, stay behind bars, and be perpetually disqualified from office,” ayon pa sa pahayag.

Giit ng mga pari, bawat pisong ninakaw sa pondo ng bayanay may katumbas na buhay at paghihirap ng mga Pilipino.

“Every stolen peso has a face, a name, a soul crying out to God.”

Ipinalala rin ng grupo ng mga pari sa mga pinuno na pansamantala lang ang kapangyarihan, ngunit ang katarungan ay walang hanggan.

Ayon pa sa pahayag ng CGG, “We do this not to shame, but to save, to call them back before it is too late.”

Dagdag pa ng grup, hindi sila titigil sa pananalangin at panawagan laban sa katiwalian.

“We will pray, but we will not be silent. Repentance must be seen in reform, not rhetoric. Justice must rise before elections.”

Iginiit pa ng CGG na higit sa halalan, kailangan ng bansa ng katotohanan, katarungan, at pagbabago ng puso.

“The Philippines does not need a snap election. It needs truth, justice, and a conversion of hearts.”

Mga Pari, mensahero ni kristo

 491 total reads

 491 total reads Binigyang-diin ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang mga pari ay tinatawag na maging mga tagapagdala ng mensahe ni Kristo, sa kabila ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 9,471 total reads

 9,471 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 50,031 total reads

 50,031 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 77,508 total reads

 77,508 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 125,773 total reads

 125,773 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 147,487 total reads

 147,487 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 22,238 total reads

 22,238 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top