Total transparency sa imbestigasyon ng flood control scam, hiling ng CBCP sa ICI

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 17,822 total views

Mariing nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa mga opisyal ng pamahalaan na tiyakin ang pag-iral ng katotohanan at integridad sa gitna ng mga imbestigasyon sa malawakang katiwalian sa mga flood control project sa bansa.

Sa panibagong pahayag ni CBCP President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na may titulong “Let the Truth Flow Freely,” ay binigyang-diin ng Kalipunan ng mga Obispo na ang anumang tangkang hadlangan o ilihis ang isinasagawang imbestigasyon ay lalo lamang magpapalalim sa hinalang may nagaganap na cover-up o pagtatakip ng katotohanan mula sa publiko.

Giit ng CBCP, dapat na pahintulutan na palakasin ang mandato ng Independent Commission on Infrastructure (ICI) na nilikha upang maibalik ang tiwala ng publiko, at tiyaking maisasagawa nito ng malaya at walang anumang bahid pulitika o panghihimasok mula sa alinmang sanggay ng pamahalaan ang imbestigasyon ng katiwalian.

“The Filipino people are watching closely. After the revelations of massive anomalies in flood control projects, any move to change Senate leadership or redirect investigations now would only heighten public suspicion of a cover-up. We, the Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, call on all public officials to uphold the integrity of the ongoing inquiries into the flood control corruption scandal. The Independent Commission on Infrastructure (ICI) was created precisely to restore public trust. It must be empowered to investigate fully and freely, without political interference from any branch of government.” Bahagi ng pahayag ng CBCP.

Kabilang sa mariing panawagan ng CBCP sa ICI ang ganap na transparency sa lahat ng proseso at ulat sa isinasagawang imbestigasyon; ang malayang pag-access sa mga dokumento at testigo; ang pagsasapubliko ng mga budget insertions at project allocations; at ang proteksyon para sa mga whistleblowers at mga kawani ng pamahalaang nagsisiwalat ng katiwalian.

Binigyang-diin din ng Kalipunan ng mga Obispo na hindi makakamit ng bansa ang tunay na katarungan at paghilom kung patuloy na iiral ang katiwalian at kasakiman para sa pansariling interes ng mga opisyal ng pamahalaan na makasasama sa “moral arteries” o moralidad ng lipunan.

Hinamon naman ng CBCP ang parehong sangay ng Kongreso at Malacañang na patunayan na ang kanilang katapatan sa paglilingkod para sa common good at hindi para sa pansariling interes sa kapangyarihan bilang “defining moment for public accountability” lalo na ng mga halal na opisyal ng bayan.

“We strongly oppose any attempt to pre-empt or derail the investigation through backroom deals, leadership takeovers, or selective justice. A nation cannot heal when its moral arteries are clogged by corruption and self-interest. This is a defining moment for public accountability. We urge both Congress and Malacañang to prove that they serve the common good, not partisan power. Let the truth flow freely. Let the ICI do its work — thoroughly, transparently, and without fear or favor.” Dagdag pa ng CBCP.

Kasabay nito, hinikayat din ng CBCP ang sambayanang Filipino na makiisa sa National Day of Prayer and Public Repentance o Pambansang Araw ng Panalangin at Pagsisis ng buong Sambayanang Pilipino sa darating na Oktubre 7, kasabay ng Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo na idaraos bilang panawagan para sa awa ng Diyos at lakas ng loob ng mga naninindigan sa katotohanan.

“No to a whitewash. Yes to full accountability. Only through truth can our nation begin to rebuild trust and ensure that flood control no longer becomes another flood of corruption. Today, we also invite you to a NATIONAL DAY OF PRAYER AND PUBLIC REPENTANCE.” Paanyaya pa ng CBCP.

Una ng inihayag ni Cardinal David na ang gawain ay bahagi ng patuloy na paglalakbay ng Simbahan sa diwa ng synodality— na sama-samang paglalakbay ng bayan ng Diyos upang magkaroon ng patuloy na pag-asa ang bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,280 total views

 195,280 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,503 total views

 225,503 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 252,148 total views

 252,148 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 347,121 total views

 347,121 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,505 total views

 355,505 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top