Mamamayan, hinimok ng Obispo na sama-samang magdasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,269 total reads

Nanawagan si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa sambayanang Pilipino na patuloy na sama-samang magdasal partikular na ng Santo Rosaryo.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagsasagawa ng One Million Children Praying the Rosary ng ‎Pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) kasabay ng paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo kung saan idineklara rin ngayong ika-7 ng Oktubre, 2025 ang National Day of Prayer and Repentance.

Ayon kay Bishop Evangelista, ang pananalangin lalo na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang makapangyarihang sandata ng pananampalataya na kayang baguhin ang kalagayan ng bansa at ng mundo.

“Atin nga ang hinihikayat lahat na magdasal. National Day of Prayer ngayong araw na ito sa buong Pilipinas, National Day of Repentance. Ang pananalangin, ang pagdarasal, lalo na ang pagdarasal ng Santo Rosario, ay napaka-powerful prayer.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na walang imposible sa Diyos lalo na kung sama-samang magdarasal ang lahat para sa mga pagsubok na kinahaharap ng bansa at buong mundo mula sa iba’t ibang mga natural na kalamidad, krisis sa pamahalaan, at mga kaso ng katiwalian ay ang sama-samang pananalangin ay daan tungo sa pag-asa at pagbabago.

“Kaya walang imposible sa Diyos at walang imposible sa sama-samang pagdarasal, kung ano man ang pinagdaraanan ng ating bansa, kung ano man ang pinagdaraanan ng buong mundo, kalamidad, crisis sa ating gobyerno, sa mga korupsyon na nangyayari, sa pagdarasal natin na sama-sama at malalim na pananampalataya sa Diyos sa tulong ng mahal na Birhen, mapapagtagumpayan din natin lahat ito.” dagdag pa ng Obispo.

Ipinaalala naman ni Bishop Evangelista na ang pananalangin ng Santo Rosaryo ay hindi lamang tuwing buwan ng Oktubre o Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo sa halip ay dapat na ginagawa at isanasabuhay sa pang-araw-araw.

Pagbabahagi ng Obispo, mahalaga ang araw-araw na pagdarasal ng Santo Rosaryo na mensahe at panawagan mismo ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang pagpapakita sa Fatima sapagkat isa rin itong daan upang patuloy na mapalago ang koneksyon sa Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Evangelista ang araw-araw na pagdarasal ng Santo Rosaryo may maituturing bilang espiritwal na pagkain ng kaluluwa ng bawat isa na higit na nagpapalago sa biyaya ng Diyos.
“Sadyang ang pagdarasal ng rosary ng Santo Rosaryo ay pinanawagan mismo ng Mahal na Birheng Maria, dasalin ito araw-araw. Pray the rosary every day. Yun mismo ay sinabi niya doon sa Fatima, nun siya yung nagpakita. At kung bakit mahalaga na tayo kumain para tayo mabuhay, napakahalaga para sa ating espiritual na pangailangan, para sa ating kaluluwa, magdasal palagi. Lagi tayong nakakonekta sa Diyos at tayo ay lumago sa biyaya ng Diyos.” Ayon pa kay Bishop Evangelista.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Obispo sa Pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa patuloy na malasakit at pagtulong nito sa mga Kristiyanong inuusig lalo na ang mga walang Kalayaan makapagpahayag ng pananampalataya sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Salamat sa Aid to the Church in Need, sa ACN. Salamat sa malalim na malasakit ng ACN sa mga persecuted Christians, sa lahat ng mga Kristiyano na hindi makapagpahayag ng pananampalataya nila dahil sila nga ay persecuted. Pero sa pamamagitan ng ACN, tayo ay nagkakaisa at nagsusuportahan sa isa’t isa, saan man sila naroon. Salamat sa ACN.” Pasasalamat ni Bishop Evangelista.

Ang One Million Children Praying the Rosary ay taunang pandaigdigang inisyatibo ng ACN na naglalayong palaganapin ang debosyon sa Santo Rosaryo lalo na sa mga kabataan bilang pananalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at paghilom ng mundo.

Idinaos ngayong taon ang One Million Children Praying the Rosary sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa bayan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ng Obispo ng Diyosesis ng Imus na si Bishop Evangelista.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,706 total reads

 21,706 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 4,651 total reads

 4,651 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 45,214 total reads

 45,214 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 72,993 total reads

 72,993 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 121,258 total reads

 121,258 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 143,163 total reads

 143,163 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,707 total reads

 21,707 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

NAMFREL, dismayado sa pagpapaliban ng BSKE

 23,791 total reads

 23,791 total reads Dismayado ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) sa panibagong pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections o BSKE, na nakatakda sanang

Read More »
Scroll to Top