25,556 total views
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman at kahalili ni Ombudsman Samuel Martires nagtapos ng kaniyang termino noong Hulyo.
Bilang kalihim ng Department of Justice, pinangunahan ni Remulla ang reporma sa kagawaran na layong gawing mas moderno ang justice system, bawasan ang siksikan sa bilangguan, pabilisin ang pagresolba ng mga kaso, at mas mapalapit ang serbisyo legal sa publiko.
Umaasa si Pangulong Marcos, na mapapanatili ni Remulla ang transparency at higpitan ang laban sa korapsyon.
Si Remulla ang ika-59 na kalihim ng DoJ na nagsilbi simula 2022.
Ayon pa sa punong ehekutibo, inaasahan niyang ipagpapatuloy ni Remulla ang transparency at pagtutok sa paglaban sa korapsyon.
Giit ng pangulo na walang dapat na maging “sacred cows” at ang sinumang lalabag sa batas ay kailangang mapanagot.




