Mamamayan, hinimok ng Obispo na sama-samang magdasal

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,308 total reads

Nanawagan si Imus Bishop Reynaldo Evangelista sa sambayanang Pilipino na patuloy na sama-samang magdasal partikular na ng Santo Rosaryo.

Ito ang mensahe ng Obispo sa pagsasagawa ng One Million Children Praying the Rosary ng ‎Pontifical foundation ng Vatican sa bansa na Aid to the Church in Need-Philippines (ACN) kasabay ng paggunita sa Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo kung saan idineklara rin ngayong ika-7 ng Oktubre, 2025 ang National Day of Prayer and Repentance.

Ayon kay Bishop Evangelista, ang pananalangin lalo na ang pagdarasal ng Santo Rosaryo ay isang makapangyarihang sandata ng pananampalataya na kayang baguhin ang kalagayan ng bansa at ng mundo.

“Atin nga ang hinihikayat lahat na magdasal. National Day of Prayer ngayong araw na ito sa buong Pilipinas, National Day of Repentance. Ang pananalangin, ang pagdarasal, lalo na ang pagdarasal ng Santo Rosario, ay napaka-powerful prayer.” Bahagi ng pahayag ni Bishop Evangelista sa Radyo Veritas.

Binigyang-diin din ng Obispo na walang imposible sa Diyos lalo na kung sama-samang magdarasal ang lahat para sa mga pagsubok na kinahaharap ng bansa at buong mundo mula sa iba’t ibang mga natural na kalamidad, krisis sa pamahalaan, at mga kaso ng katiwalian ay ang sama-samang pananalangin ay daan tungo sa pag-asa at pagbabago.

“Kaya walang imposible sa Diyos at walang imposible sa sama-samang pagdarasal, kung ano man ang pinagdaraanan ng ating bansa, kung ano man ang pinagdaraanan ng buong mundo, kalamidad, crisis sa ating gobyerno, sa mga korupsyon na nangyayari, sa pagdarasal natin na sama-sama at malalim na pananampalataya sa Diyos sa tulong ng mahal na Birhen, mapapagtagumpayan din natin lahat ito.” dagdag pa ng Obispo.

Ipinaalala naman ni Bishop Evangelista na ang pananalangin ng Santo Rosaryo ay hindi lamang tuwing buwan ng Oktubre o Kapistahan ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo sa halip ay dapat na ginagawa at isanasabuhay sa pang-araw-araw.

Pagbabahagi ng Obispo, mahalaga ang araw-araw na pagdarasal ng Santo Rosaryo na mensahe at panawagan mismo ng Mahal na Birheng Maria sa kanyang pagpapakita sa Fatima sapagkat isa rin itong daan upang patuloy na mapalago ang koneksyon sa Panginoon.

Paliwanag ni Bishop Evangelista ang araw-araw na pagdarasal ng Santo Rosaryo may maituturing bilang espiritwal na pagkain ng kaluluwa ng bawat isa na higit na nagpapalago sa biyaya ng Diyos.
“Sadyang ang pagdarasal ng rosary ng Santo Rosaryo ay pinanawagan mismo ng Mahal na Birheng Maria, dasalin ito araw-araw. Pray the rosary every day. Yun mismo ay sinabi niya doon sa Fatima, nun siya yung nagpakita. At kung bakit mahalaga na tayo kumain para tayo mabuhay, napakahalaga para sa ating espiritual na pangailangan, para sa ating kaluluwa, magdasal palagi. Lagi tayong nakakonekta sa Diyos at tayo ay lumago sa biyaya ng Diyos.” Ayon pa kay Bishop Evangelista.

Nagpaabot naman ng taos-pusong pasasalamat ang Obispo sa Pontifical foundation ng Vatican na Aid to the Church in Need sa patuloy na malasakit at pagtulong nito sa mga Kristiyanong inuusig lalo na ang mga walang Kalayaan makapagpahayag ng pananampalataya sa iba’t ibang panig ng mundo.

“Salamat sa Aid to the Church in Need, sa ACN. Salamat sa malalim na malasakit ng ACN sa mga persecuted Christians, sa lahat ng mga Kristiyano na hindi makapagpahayag ng pananampalataya nila dahil sila nga ay persecuted. Pero sa pamamagitan ng ACN, tayo ay nagkakaisa at nagsusuportahan sa isa’t isa, saan man sila naroon. Salamat sa ACN.” Pasasalamat ni Bishop Evangelista.

Ang One Million Children Praying the Rosary ay taunang pandaigdigang inisyatibo ng ACN na naglalayong palaganapin ang debosyon sa Santo Rosaryo lalo na sa mga kabataan bilang pananalangin para sa kapayapaan, pagkakaisa, at paghilom ng mundo.

Idinaos ngayong taon ang One Million Children Praying the Rosary sa Pandiyosesis na Dambana at Parokya ng Santo Rosario sa bayan ng Rosario, Cavite sa pangunguna ng Obispo ng Diyosesis ng Imus na si Bishop Evangelista.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 8,973 total reads

 8,973 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 94,253 total reads

 94,253 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 188,585 total reads

 188,585 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 250,271 total reads

 250,271 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 295,730 total reads

 295,730 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top