Rep. Acidre, suportado ang paninindigan ni Bishop Bagaforo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,822 total views

Sinuportahan ni House Committee on Higher and Technical Education Chair Jude Acidre ang paninindigan ni Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo na ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte ay hindi dapat ituring na pamumulitika o pang-uusig, kundi isang lehitimong proseso ng Konstitusyon at bahagi ng demokratikong mekanismo ng bansa.

“Tama po si Bishop Bagaforo. In a democracy, transparency is not a weakness. Accountability is not political harassment. Justice is not destabilization. Ang impeachment process po actually ay proseso ng paghilom, proseso ng paghanap ng sagot, ng liwanag,” ayon kay Acidre.

Sa gitna ng nakatakdang botohan sa Kamara para sa pagpapadala sa Senado ng Articles of Impeachment, iginiit ni Acidre na ang impeachment ay hindi banta sa pagpapahina ng gobyerno, kundi isang paraan upang linawin ang mga usapin ng pananagutan at maibalik ang tiwala ng publiko sa mga institusyon.

Binigyang-diin niya na ang proseso ay maaaring magsilbing hakbang tungo sa “paghilom” ng bansa sa gitna ng lumalalim na duda at pagkakahati-hati sa politika, lalo na sa mga alegasyon ng umano’y maling paggamit ng mahigit 612 milyong pisong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.

Kabilang sa mga isyung tinatalakay ang mabilis na disbursement ng pondo, mga kaduda-dudang liquidation reports, findings ng Commission on Audit, at mga ulat ng National Bureau of Investigation na may kaugnayan sa mga dokumento at acknowledgment receipts.s

Ayon kay Acidre, ang patuloy na hindi pagharap sa mga pagdinig at hindi direktang pagsagot sa mga akusasyon ay lalong nagpapalalim ng pagdududa ng publiko, sa halip na makapagbigay-linaw.

Lumawak pa ang saklaw ng mga paratang sa Article II ng impeachment, kabilang ang sinasabing hindi maipaliwanag na pagtaas ng yaman ng Bise Presidente mula 2007 hanggang 2024, gayundin ang malalaking transaksyong iniulat ng Anti-Money Laundering Council na may kinalaman sa pamilya Duterte.

Dagdag pa rito ang Article III na tumutukoy sa alegasyon ng bribery at distribusyon ng cash envelopes sa ilang opisyal ng Department of Education, at Article IV na may kaugnayan sa grave threats at pagbabanta sa buhay laban sa matataas na opisyal ng pamahalaan.

“Only the evil fear the cleansing power of valid and thorough investigations and trials,” saad pa ng mambabatas.s
Iginiit ni Acidre, ang mga kasong ito ay hindi dapat takasan o balewalain, kundi harapin sa tamang proseso ng batas kung saan ebidensya at katotohanan ang mananaig.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 56,591 total views

 56,591 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 65,955 total views

 65,955 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 92,411 total views

 92,411 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 140,775 total views

 140,775 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 141,954 total views

 141,954 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top