The numbers, the documents cannot lie!

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,478 total reads

Iginiit ni dating senador Antonio Trillanes IV na mahalagang matuloy ang impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte upang tuluyang masuri ng publiko ang mga alegasyong kinahaharap ng opisyal, kabilang ang katiwalian, betrayal of public trust, at pagkakaroon ng ill-gotten wealth.

Sa panayam ng programang Veritasan, sinabi ni Trillanes na mabibigat ang mga ebidensyang maaaring iharap laban sa Bise Presidente, kabilang ang mga dokumento, testimonya ng mga testigo, at impormasyon mula sa Anti-Money Laundering Council o AMLC na nagpatibay din sa mga iniharap niyang dokumento sa House Quad Committee.

Ayon kay Trillanes, isa sa pinakamabigat na usapin ay ang maling paggamit ng confidential funds at ang mga bank transactions na sinasabing tumutugma sa mga dokumentong hawak nila.
“The numbers, the documents cannot lie,” ani Trillanes.

Binanggit din niya na may mga testigong mula sa Bureau of Internal Revenue o BIR na maaaring magpatunay na hindi tugma ang deklaradong kita at negosyo ng pamilya Duterte sa laki ng perang dumaan sa kanilang mga account.

Ayon pa sa dating senador, mahalagang suriin ang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN upang malaman kung may mga ari-ariang hindi naideklara.

“Contrary sa ipinapakita ng Duterte family, ay mayroon silang bilyon-bilyong pera sa kanilang mga bangko, at higit pa riyan, meron silang pera na galing sa iligal na droga na contrary sa kanilang public projection na galit sila sa iligal na droga,” saad pa ng dating senador.ssssss

Dagdag pa ni Trillanes, “So, kung merong lumabas dyan, na wala sa SALN it will be considered ill-gotten wealth. Ngayon kapag na-establish na po ‘yan. The burden now shifts to you, to prove na hindi ‘yan ill-gotten.”

Nilinaw rin ni Trillanes na hindi personal na galit ang nagtutulak sa kanya laban sa pamilya Duterte. Aniya, matagal na niyang adbokasiya ang pagbabantay laban sa katiwalian at pag-abuso sa kapangyarihan.

“Pero, in this personal case against sa mga Dutertes, makikita naman natin how destructive Duterte’s can be. Makikita mo si Digong kung paano niyang giniba ‘yung ibang democratic institutions, iba’t ibang sectors sa society. Kung paano niyang in-attempt na sirain pati ang church, media, yung civil society,” saad pa ni Trillanes.

Nagbabala rin siya sa posibilidad ng patuloy na paglawak ng impluwensiya ng pamilya Duterte sa pambansang politika.
“Ngayon itong mga anak, nakita nyo naman ang profile nila pare-parehas sila nung tatay, kung paano yung tatay, ganun din sila. Mga bayolente, mga bastos, mga bully na mga tao. Wala naman track record ng governance.”

Binigyan diin ni Trillanes na naranasan na ng bansa ang anim na taon na pamumuno ng dating Pangulo, at hindi na dapat masundan pa ng mga anak nito, na kasalukuyan ding nasa gobyerno.

Sinabi ni Trillanes na, “I will not risk another six years or more ng Duterte leadership,” at sinabi pang sakaling mangyari ito, “I don’t think, our democracy will survive.”

Kamakailan lang ay una na ring nagpahayag si Vice President Duterte na tatakbo sa panguluhan sa 2028, bagama’t nahaharap naman sa impeachment complaint sa Kamara.

Sa Lunes, inaasahang pagbobotohan sa plenaryo ng Kamara ang articles of impeachment laban sa pangalawang pangulo, kung saan kinakailangan lamang ang one-third vote o 106 na pagpabor ng mga kinatawan, upang maipasa sa Senado ang reklamo para sa paglilitis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 63,147 total reads

 63,147 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 142,048 total reads

 142,048 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 175,493 total reads

 175,493 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 210,791 total reads

 210,791 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 434,769 total reads

 434,769 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top