EcoWaste, nagbabala laban sa mercury-added cosmetics

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,256 total reads

Nagbabala ang EcoWaste Coalition laban sa patuloy na paggawa at pagbebenta ng mga mercury-added cosmetics na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng mga ina at mga bata, kasabay ng pagdiriwang ng Mother’s Day.

Ayon kay EcoWaste Coalition National Coordinator Aileen Lucero, nananatiling laganap ang bentahan ng mga ipinagbabawal na skin-lightening products sa kabila ng umiiral na Minamata Convention on Mercury, at ng regional ban sa ilalim ng ASEAN Cosmetic Directive.

“As Mother’s Day is celebrated, we call out defiant manufacturers, importers, distributors, and retailers, including online sellers and content creators, who continue to flout the global ban on mercury-added products that are marketed to lighten the skin tone, remove age spots, blemishes, freckles, and wrinkles, and achieve youthful, glowing skin. These cosmetics pose mercury exposure risks to women and their families, children in particular, who may also be harmed through contaminated air and articles,” pahayag ni Lucero.

Bilang patunay, inihayag ng grupo ang pagkakadiskubre sa isang cosmetic product mula sa Pakistan, ang Biocos Beauty Cream, na ibinebenta rin sa local online market at positibo sa mataas na antas ng mercury.

Batay sa pagsusuri, umabot sa 19,610 parts per million (ppm) ang nilalaman na mercury ng produkto, malayong mas mataas sa itinakdang ligtas na pamantayan.

Binigyang-diin ng EcoWaste Coalition na maaaring magdulot ang mercury exposure ng pinsala sa balat, bato, utak, at nervous system, at mas mapanganib sa mga buntis dahil maaari itong makaapekto sa sanggol sa sinapupunan, batay sa mga babala ng World Health Organization at Food and Drug Administration.

Dagdag pa ng grupo, ang mercury sa mga kontaminadong produkto ay maaari ring mapunta sa wastewater kapag hinugasan o itinapon, na nagdudulot ng polusyon sa karagatan at kontaminasyon sa food chain.

“It is a small price to pay for the health of your skin…. Nothing could be further from the truth,” ayon kay Lucero.

Sa patuloy nitong market monitoring, sinabi ng EcoWaste Coalition na nakapagtala na ito ng 36 Pakistan-made beauty creams na may mercury, bukod pa sa mga katulad na produkto mula China, Hong Kong, Taiwan, Indonesia, at Thailand.

Nakasaad sa Social Doctrine of the Church na ang anumang gawaing naglalagay sa panganib sa buhay ng tao ay salungat sa dignidad ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kapag ginagawang sandata ang batas

 25,909 total reads

 25,909 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 62,315 total reads

 62,315 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 116,150 total reads

 116,150 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 178,500 total reads

 178,500 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 246,248 total reads

 246,248 total reads Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 48,910 total reads

 48,910 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top