Paghahanda sa Laudato Si week 2026, kasado na

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,464 total reads

Nagkaisa ang Green Convergence at Laudato Si’ Movement Pilipinas sa panawagang palalimin ang kamalayan at pagkilos para sa pangangalaga sa kalikasan bilang paghahanda sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week 2026.

Sa isasagawang Kamayan Para sa Kalikasan forum sa ika-15 ng Mayo, tatalakayin ang temang “Anticipating Laudato Si’ Week: From Hope to Action,” na layong hikayatin ang publiko na gawing kongkretong pagkilos ang panawagan ni Pope Francis para sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan.

Ayon sa Green Convergence at LSM Pilipinas, magsisilbing plataporma ang online forum upang maipakilala ang mga nakahanay na gawain para sa taunang paggunita sa ika-11 taong anibersaryo ng paglalathala ng Laudato Si’ mula ika-17 hanggang ika-24 ng Mayo.

“In anticipation of this year’s celebration of Pope Francis’ encyclical, we invite everyone to join us in learning more about the week-long lineup of activities and the different ways we can take part,” ayon sa dalawang organisasyon.

Kabilang sa mga inaasahang resource speakers sina LSM President Naderev ‘Yeb’ Saño, LSM Pilipinas Chapter Coordinator Sr. Elizabeth ‘Bing’ Carranza, at Calapan, Oriental Mindoro Diocesan Social Action Executive Director Fr. Edwin Gariguez, na magbabahagi ng pananaw hinggil sa pagbabagong pangkalikasan, katarungang pangklima, at napapanatiling kaunlaran.

“Let us continue the conversation on taking concrete steps toward genuine sustainable development and ecological integrity, guided by what Laudato Si’ teaches,” dagdag ng Green Convergence at LSM-Pilipinas.

Una nang binigyang-diin ni Pope Francis sa kanyang ensiklikal na Laudato Si’ ang panawagang pangalagaan ang nag-iisang tahanan sa gitna ng lumalalang krisis pangkalikasan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nagmamahal, Judith

 120,420 total reads

 120,420 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Mas malusog na Pilipino?

 153,749 total reads

 153,749 total reads Mga Kapanalig, dumarami ang mga Pilipinong overweight at obese. Ayon sa Food and Nutrition Research Institute, 16% ng mga batang edad 5 hanggang

Read More »

Mas mabigat kaysa teknikalidad

 185,893 total reads

 185,893 total reads Mga Kapanalig, sa Ebanghelyo ni San Mateo, matutunghayan natin ang pagtuligsa ni Hesus sa mga tagapagturo ng kautusan at sa mga Pariseo. Mababasa

Read More »

Sense of entitlement!

 251,956 total reads

 251,956 total reads Kapanalig, laganap sa ating bayan.. sa ating mga Pilipino, lalu na sa mga lider ng bansa ang ‘culture of superiority’, maging sa loob

Read More »

SIMPLENG LOHIKA

 263,469 total reads

 263,469 total reads Kapanalig, simpleng lohika lamang ang kailangan ng mga Senador-judges para pagbotohan kung iko-convict o hindi si Vice-President Sara Duterte. Ito ang kasagutan ni

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 122,531 total reads

 122,531 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top