Kura-paroko sa Archdiocese of Manila, pinaalalahanan sa pagsasagawa ng 2nd collection sa buwan ng Oktubre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 13,869 total reads

Nanawagan ang Archdiocese of Manila sa lahat ng parokya at kura paroko sa buong arkidiyosesis na makiisa at magpakita ng malasakit sa mga nakatakdang Second Collection na isasagawa ngayong buwan ng Oktubre.

Alinsunod sa inilabas na RCAM Circular No. 2025-03 at sa itinakdang listahan ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ay pinaalalahanan ng pamunuan ng arkidiyosesis sa pamamagitaan ni Chancellor Rev. Fr. Carmelo Arada Jr. ang bawat parokya na makibahagi sa gawain.

Nasasaad sa abiso ang muling paalala sa mga pari para sa mga nakatakdang second collection ngayong buwan ng Oktubre.

Hinimok din ng Archdiocese of Manila ang mga kura paroko na himukin ang mga mananampalataya na magbigay nang may bukas na puso at diwa ng pagkakawang-gawa bilang tanda ng pakikiisa sa mga katutubo, misyonero, bilanggo, at mga naglilingkod sa mga piitan.

“We request that you encourage your parishioners to generously contribute to the said collections as an expression of support to our indigenous peoples, missionaries, prisoners, and prison pastoral care ministers.” Bahagi ng abiso ng RCAM.

Nakatakda an pagsasagawa ng second collection ng Simbahan ngayon buwan ng Oktubre sa:Indigenous People’s Sunday – Oktubre 11 at 12, 2025, para sa kapakanan ng mga Katutubong Pilipino;World Mission Sunday – Oktubre 18 at 19, 2025, para sa mga gawain ng misyon at ebanghelisasyon;Prison Awareness Sunday – Oktubre 25 at 26, 2025, para sa mga bilanggo at sa mga tagapaglingkod ng Prison Pastoral Care.

Ipinaalala rin ng Archdiocese of Manila na ang mga makakalap na koleksyon ay kinakailangang maipadala sa Treasury Department ng Arzobispado de Manila sa loob ng labinlimang (15) araw matapos ang itinakdang petsa ng bawat kolekta.

Layunin ng pagsasagawa ng second collection ng Simbahan na patuloy na maitaguyod ng Simbahang Katolika ang mga programang nakatuon sa evangelization, social justice, at pagkalinga sa mga nasa laylayan ng lipunan.

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 982 total reads

 982 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 52,516 total reads

 52,516 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 89,306 total reads

 89,306 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 121,985 total reads

 121,985 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 172,961 total reads

 172,961 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 234,587 total reads

 234,587 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top