Pope Leo XIV sa Media: Ipatanggol ang Katotohanan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,039 total reads

Vatican- Nanawagan si Pope Leo XIV sa mga mamamahayag na ipagtanggol ang katotohanan sa gitna ng laganap na disinformation at mga tangkang patahimikin ang media.

Sa kanyang talumpati sa mga kasapi ng MINDS International, isang pandaigdigang samahan ng mga pangunahing news agencies, binigyang-pugay ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na nag-uulat mula sa mga mapanganib na lugar gaya ng Gaza at Ukraine.

Pinasalamatan din ng Santo Papa ang mga journalist na patuloy na nagsasakripisyo upang maiparating ang katotohanan mula sa mga lugar ng kaguluhan.

“With your patient and rigorous work, you can act as a barrier against those who, through the ancient art of lying, seek to create divisions in order to rule by dividing,” ayon pa kay Pope Leo.

Ayon sa Santo Papa, kung alam ng mundo ang mga nangyayaring karahasan at digmaan, ito ay dahil sa katapangan at dedikasyon ng mga mamamahayag na patuloy na nagsisilbi sa kabila ng panganib.

Binigyang-diin ni Pope Leo na ang gawain ng mamamahayag ay hindi kailanman dapat ituring na krimen, kundi isang karapatan na kailangang ipagtanggol.

Nanawagan din ang pinunong para sa agarang pagpapalaya sa mga journalist na nakulong at inuusig dahil lamang sa kanilang pagsisikap na maibahagi ang katotohanan.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, “Doing the work of a journalist can never be considered a crime.It is a right that must be protected.”

Sa panahon ng mabilis na pagpapakalat ng impormasyon at fake news, pinaalalahanan ng Santo Papa ang lahat ng nasa media na manatiling tapat sa kanilang bokasyon, na maghatid ng balanseng impormasyon, may katapatan, at may malasakit sa dignidad ng tao.

“Your service requires competence, courage, and a sense of ethics,” ayon kay Pope Leo.

Giit ng Santo Papa, sa panahon ngayon ng malawak na komunikasyon at teknolohiya, wala nang puwang para sa kawalan ng kaalaman. Ang impormasyon, aniya, ay isang kabutihang panlahat na dapat gamitin hindi para sa panlilinlang, kundi upang itaguyod ang katotohanan, katarungan, at dangal ng bawat tao.

Nagbabala rin ang Santo Papa sa mga panganib ng labis na paggamit ng artificial intelligence sa pamamahayag. Ayon sa kanya, kailangang manatiling sentro ng komunikasyon ang tao, at hindi dapat pahintulutan na ang teknolohiya ang magdikta ng katotohanan.

Hinimok din ni Pope Leo XIV ang mga mamamahayag na maging tagapagtanggol ng katotohanan at sandigan ng lipunan sa panahong binabaluktot ng ilan ang mga katotohanan para sa pansariling interes.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 21,787 total reads

 21,787 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 4,782 total reads

 4,782 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 45,345 total reads

 45,345 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 73,113 total reads

 73,113 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 121,378 total reads

 121,378 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 143,278 total reads

 143,278 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 21,786 total reads

 21,786 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top