Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Makinig sa musika ng Diyos, panawagan ng Papal Nuncio sa mga mananampalataya

SHARE THE TRUTH

 11,450 total views

Hinimok ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown ang mga mananampalataya at deboto ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario – Reina del Caracol na “makinig sa musika ng Diyos” at isabuhay ang pag-ibig ni Hesus sa araw-araw na pamumuhay.

Sa kanyang homiliya sa ginanap na canonical coronation ng imahe ng Reina del Caracol, ipinaalala ng Nuncio na ang pananampalataya ay dapat maging buhay, masigla, at puspos ng kagalakan — tulad ng sayaw ng caracol na alay ng mga taga-Rosario sa Mahal na Birhen.

“Let us allow the music of God to inspire us. Let’s dance with the love of God. We need to listen to the music of God, the grace and love of Jesus, and let our lives move to that rhythm,” bahagi ng pagninilay ni Archbishop Brown.
Binigyang-diin ng nuncio na si Maria ang “bagong Kaban ng Tipan,” ang buhay na sisidlan ng Diyos sapagkat sa kanya ipinaglihi si Hesus para sa kaligtasan ng sangkatauhan.

“Mary is the new Ark of the Covenant, the living vessel who carried within her the presence of God,” dagdag ng Nuncio.
Pinuri rin ni Archbishop Brown ang matatag na debosyon ng mga taga-Rosario sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng caracol, isang uri ng sayaw-pananalig na sumasagisag sa pagdiriwang ng pananampalataya.

“Our lives are a dance — a joyful dance, a caracol offered to God. Your town is known as the town of the Rosary, and it gives me so much joy to be part of this wonderful celebration,” aniya.

Samantala, binigyang-diin naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula sa kanyang mensahe na ang pagkorona sa imahe ng Reina del Caracol ay patunay ng pagkilala ng Santo Papa sa malalim at matatag na pananampalataya ng mga Pilipino sa Diyos sa pamamagitan ng Mahal na Birheng Maria.

Ayon kay Cardinal Advincula, si Maria ay huwaran ng kababaang-loob at ng isang simbahan na nakikinig, nagkakaisa, at naglalakbay nang sama-sama sa kabila ng mga hamon.

“Mary is the model of what it means to be a synodal church. She is the first disciple, the first to say yes, the first to listen, to ponder, to trust. Mary never ceases to open doors, build bridges, break down walls, and help humanity to live in peace and in harmony, in the harmony of diversity,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na patuloy magbuklod bilang simbahang sinodal, na nakikinig hindi lamang sa Diyos kundi maging sa mga tinig ng mahihirap at mga inaapi.

“Let us listen first to God, to one another, especially to the voices often unheard — the poor and the abandoned. The best coronation of our Blessed Mother happens in our hearts whenever we listen to her Son, Jesus,” dagdag pa ni Cardinal Advincula.
Ang imahe ng Nuestra Señora del Santísimo Rosario – Reina del Caracol ay opisyal na kinilala ng Vatican bilang ika-61 imahe sa Pilipinas na ginawaran ng canonical coronation — patunay ng bansag na Pueblo Amante de María o “Bansang Mapagmahal kay Maria.”

Dumalo sa makasaysayang pagdiriwang sina Bishop Pedro Arigo, Borongan Bishop Crispin Varquez, at mga pari mula sa Diocese of Imus at kalapit na mga diyosesis.
Katuwang ng nuncio sa pagputong ng korona si Imus Bishop Reynaldo Evangelista habang sina Cardinal Advincula at Bishop Arigo naman ang naglagay ng rosaryo sa imahe.
Pinangunahan ni Fr. Teodoro Bawalan, kura paroko at rector ng dambana, ang mga paghahanda at ang sama-samang pasasalamat ng mga deboto. Nagdiwang naman ang buong pamayanan ng Rosario sa natamong biyaya at pagkilala ng kanilang patrona.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO GRADUATES, MAHINA SA RESEARCH

 34,335 total views

 34,335 total views Good News…. Patuloy na dumarami ang mga paaralan sa Pilipinas na nakapasok sa global o international rankings. Sa inilabas na Quacquarelli Symonds (QS)

Read More »

NAGUGUTOM NA PINOY

 57,167 total views

 57,167 total views Tama bang isisi ng kasalukuyang administrasyon sa nararanasang kalamidad ang pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na dumaranas ng involuntary hunger? Ang involuntary

Read More »

Trahedya sa Bais Bay

 81,567 total views

 81,567 total views Mga Kapanalig, noong ika-26 ng Oktubre, nagkaroon ng wastewater spill sa Bais Bay sa Negros Occidental.  Ang wastewater spill ay nanggaling sa pasilidad

Read More »

Pagsusulong ng just energy transition

 100,465 total views

 100,465 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ngayong araw ang ika-30 na Conference of the Parties o COP30 ng United Nations Framework Convention on Climate Change

Read More »

Silipin din ang DENR

 120,208 total views

 120,208 total views Mga Kapanalig, nakapangingilabot ang kinahinatnan ng maraming lugar sa probinsya ng Cebu matapos dumaan doon ang Bagyong Tino.  Mistulang binura sa mapa ang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top