Tunay na kapayapaan, panawagan ni Pope Leo XIV sa Israel at Palestine

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,511 total views

Muling nanawagan si Pope Leo XIV ng dayalogo para sa tunay na kapayapaan sa Holy Land.

Sa kanyang Angelus sa Vatican, hinimok ng Santo Papa ang mga magkatunggaling panig na ipagpatuloy ang napiling landas tungo sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan, at igalang ang karapatan ng mga mamamayan ng Israel at Palestine.

“I encourage the parties involved to continue courageously on the path they have chosen, towards a just and lasting peace that respects the legitimate aspirations of the Israeli and Palestinian peoples,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ang pahayag ay kasunod ng anunsiyo hinggil sa inisyal na kasunduan sa pagitan ng Israel at Hamas upang wakasan ang dalawang taong digmaan at palayain ang mga bihag sa magkabilang panig.

Binigyang-diin ng Santo Papa na walang mabuting naidudulot ang digmaan kundi pagkawasak at matinding dalamhati sa mga mamamayan.

“Two years of conflict have caused death and destruction throughout the land, especially in the hearts of those who have brutally lost their children, parents, friends, and possessions,” aniya.

Tiniyak din ni Pope Leo ang patuloy na pakikiisa ng Simbahan sa mga biktima ng digmaan sa iba’t ibang panig ng mundo, at ang panalangin para sa paghilom sa tulong ng Panginoon.

“We ask God… to help us accomplish what now seems humanly impossible: to remember that the other is not an enemy, but a brother or sister to be seen, forgiven and offered the hope of reconciliation,” dagdag ng santo papa.

Kasabay nito, muling umapela ang Santo Papa sa pagtatapos ng karahasan sa Ukraine at sa pagbubukas ng panibagong landas ng dayalogo sa pagitan ng Russia at Ukraine, matapos ang mga panibagong pagsabog na kumitil ng maraming buhay, kabilang ang mga bata.

“I renew my appeal to put an end to violence, to stop destruction, to open up to dialogue and peace. My heart goes out to those who suffer, who have been living in anguish and deprivation for years,” giit ng Santo Papa.

Hinimok din ng punong pastol ang lahat ng mananampalataya na magbuklod sa pananalangin, kasama si Maria na Ina ni Hesus, upang hilingin ang pamamagitan ng Diyos para sa ganap na kapayapaan at sa pagwawakas ng mga suliraning labis na nakaaapekto sa buhay ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 74,981 total views

 74,981 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 149,595 total views

 149,595 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 229,674 total views

 229,674 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 272,813 total views

 272,813 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 269,282 total views

 269,282 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top