Taunang Pagdalaw ng Mahal na Birheng Maria sa BFP Inilunsad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 28,578 total reads

Inilunsad ng Bureau of Fire Protection (BFP) National Headquarters Chaplain Service ang taunang pagdalaw ng imahe ng Mahal na Birheng Maria sa kanilang tanggapan bilang bahagi ng paggunita sa buwan ng Santo Rosaryo.

Ngayong taon ay unang dumalaw ang pilgrim image ng na simula ng bagong tradisyon sa BFP.

Ayon kay Post Chaplain Fr. (SInsp) Raymond Tapia, layunin ng kanilang chaplain service na mapaigting ang debosyon at mapalalim ang pananampalataya sa hanay ng mga bumbero sa pamamagitan ng mga gawaing espirituwal.

“Tuwing ikalawang linggo ng Oktubre, dadalaw ang Mahal na Birhen dito sa aming National Headquarters — isang tradisyong sinimulan namin ngayong taon. Manalangin tayo na bigyan kami ng karunungan, katalinuhan, at lakas ng loob sa aming paglilingkod bilang mga bumbero — sa aming tungkulin na magligtas ng buhay at magligtas ng ari-arian,” pahayag ni Fr. Tapia sa panayam ng Radyo Veritas.

Binigyang-diin ni Fr. Tapia na ang pagbisita ng Mahal na Ina ay hindi lamang simbolo ng pananampalataya, kundi paanyaya rin na magdasal para sa lahat ng kawani ng BFP sa iba’t ibang rehiyon na patuloy na nagsasagawa ng search, rescue, at relief operations sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng mga bagyo at lindol sa Visayas at Mindanao.

“Nawa, sa tulong ng panalangin ng Mahal na Birhen ng Santo Rosario ng Manaoag, bigyan ng Diyos ng kalakasan at katatagan ang aming mga kaanib na apektado ng mga lindol at bagyo,” dagdag pa ng pari.

Bilang pagninilay sa pagdiriwang ng Rosary Month, hinimok din ni Fr. Tapia ang mga mananampalataya na isabuhay ang diwa ng debosyon sa Mahal na Birhen sa pamamagitan ng pananampalataya at mabuting gawa.

“Ang tunay na pagdidebosyon sa Mahal na Birheng Maria ay hindi lang nakikita sa salita, kundi sa gawa at sa halimbawang ipinakikita sa kapwa at lipunan. Inaanyayahan namin ang lahat na gamitin ang buwang ito hindi lang sa pagdarasal ng Santo Rosario, kundi sa pagninilay ng bawat misteryo at sa pagsasabuhay nito sa araw-araw,” dagdag pa ni Fr. Tapia.

Mananatili ang pilgrim image ng Our Lady of the Rosary of Manaoag sa St. Florian Chapel ng BFP National Headquarters sa Quezon City hanggang Oktubre 17, kung saan bukas ito sa publiko para sa pagdalaw at pakikibahagi sa mga banal na misa tuwing alas-onse ng umaga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 81,277 total reads

 81,277 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 115,717 total reads

 115,717 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 151,017 total reads

 151,017 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 377,286 total reads

 377,286 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 266,330 total reads

 266,330 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top