Installation sa bagong Arsobispo ng Archdiocese of Cotabato, itinakda sa December 8

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,863 total reads

Itinakda ng Archdiocese of Cotabato ang pagluklok kay Archbishop Charlie Inzon sa December 8, kasabay ng dakilang kapistahan ng Immaculada Concepcion.

Pangangasiwaan ni Cotabato Archbishop Emeritus Angelito Lampon ang rito ng pagluklok sa ganap na alas-tres ng hapon sa Immaculate Conception Cathedral sa Cotabato City.

Magbabahagi naman ng homiliya si Cardinal Orlando Quevedo, na dati ring arsobispo ng Cotabato.
Kasabay ng pagtanggap sa ikalimang arsobispo ng arkidiyosesis ang culmination ng pagdiriwang ng ika-75 anibersaryo ng pagkakatatag ng Archdiocese of Cotabato, gayundin ang episcopal coronation ng imahe ng Inmaculada Concepcion, ang patrona ng arkidiyosesis.

Ayon kay Archbishop Lampon, ang 2025 ay isang makasaysayang taon para sa lokal na simbahan ng Cotabato bilang pagkilala sa kasaysayan, malalim na pananampalataya, at patuloy na paglilingkod sa pamayanang Kristiyano.

Matatandaang noong September 8, itinalaga ni Pope Leo XIV si Archbishop Inzon bilang kahalili ni Archbishop Lampon matapos nitong maabot ang mandatory retirement age na 75 taong gulang.

Si Archbishop Charlie Inzon, na ipinanganak noong 1965 sa Pilar, Sorsogon, ay pumasok sa kongregasyon ng Oblates of Mary Immaculate (OMI) noong 1982 at nagkaroon ng perpetual profession noong 1990.

Nagtapos siya ng Philosophy sa Notre Dame University sa Cotabato City at ng Theology sa Loyola School of Theology ng Ateneo de Manila University sa Quezon City. Siya ay naordinahang pari ng OMI noong April 24, 1993, sa Caloocan City.

Bilang bagong pinuno ng Archdiocese of Cotabato, pangangasiwaan ni Archbishop Inzon ang mga lalawigan ng Cotabato, Sultan Kudarat, at Maguindanao, gayundin ang Cotabato City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 47,586 total reads

 47,586 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 127,347 total reads

 127,347 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 160,794 total reads

 160,794 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 196,092 total reads

 196,092 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 420,794 total reads

 420,794 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top