Archbishop Lavarias, humiling ng panalangin sa tagumpay ng National Safeguarding Conference 2025

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 34,729 total reads

Humiling ng panalangin si San Fernando Archbishop Florentino Lavarias para sa tagumpay ng National Safeguarding Conference 2025 na inisyatibo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines Office for the Protection of Minors and Vulnerable Persons (CBCP-PMVP), na pinamumunuan din ng arsobispo.
Ayon kay Archbishop Lavarias, mahalaga ang naturang pagtitipon upang higit na mapagtibay ang mga programa ng simbahan sa pangangalaga sa mga bata at mga mahihinang kasapi ng lipunan laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
“Ito po ay tungkol sa pagpapahalaga sa pagprotekta lalong lalo na sa mga bata, sa mga Vulnerable Adults. Hinihingi ko ang inyong mga dasal na nawa kaming lahat na dadalo sa conference ay maging kasangkapan na mapaigting, mapayabong itong ating gagawing pagpapahalaga, proteksyon at safety sa ating mga communities sa Santa Iglesia,” pahayag ng arsobispo sa panayam ng Radyo Veritas.
Binigyang-diin ni Archbishop Lavarias na ang tunay na diwa ng safeguarding ay ang pagtiyak na ang mga bata at mahihinang indibidwal ay ligtas at mararanasan ang kagandahan ng pamumuhay sa pananampalatayang Kristiyano.
Sa ginanap na press conference noong October 16 sa Pope Pius XII Catholic Center sa Maynila, sinabi ng arsobispo na patuloy na kumikilos ang simbahan upang tugunan ang mga naiuulat na kaso ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng mga pari at iba pang lingkod ng simbahan.
Ipinaliwanag din niya na ang lahat ng natatanggap na reklamo ay isinasangguni sa kaukulang tanggapan sa Vatican, habang nakikipag-ugnayan naman ang lokal na simbahan sa mga civil authorities upang mapanagot ang mga maysala at mabigyang katarungan ang mga biktima.
“There is a number where they can call and share in confidentiality. Once it reaches the bishop, the bishop will address the issue,” ani ng arsobispo.
Hinimok din ng arosbispo ang publiko na huwag matakot o mag-atubiling magsumbong sa mga awtoridad ng simbahan kung may nalalamang pang-aabuso, sapagkat malaking hamon pa rin ang pananahimik ng mga biktima at mga saksi.
Ayon sa arsobispo, katuwang ng simbahan ang ilang grupo at institusyon sa pagbibigay ng psychosocial at spiritual support sa mga biktima ng pang-aabuso hindi lamang sa mga kaso na kinasasangkutan ng mga pari at relihiyoso, kundi pati ng mga lay leaders ng simbahan.
Sa panig naman ni Rojean Macalalad, Executive Director ng Catholic Safeguarding Institute, ang nalalapit na pambansang kumperensya ay pagkakataon para sa mga kinatawan ng mga diyosesis at relihiyosong institusyon na magbahaginan ng karanasan at magplano ng mas matibay na hakbang para sa proteksyon ng mga bata at mahihinang kasapi ng pamayanan.
“We have a lot of topics to help plant seeds, so when they go back, we can really hopefully collaborate more to build a safer Church for our country also,” ani Macalalad.
Batay sa datos ng Philippine National Police (PNP), umabot sa mahigit 17,000 kaso ng child abuse ang naitala sa bansa noong 2023 na isang paalala ng kahalagahan ng patuloy na pagkilos ng simbahan at pamahalaan sa usaping ito.
Isasagawa ang National Safeguarding Conference 2025 sa Clark, Pampanga mula October 20 hanggang 23, katuwang ng CBCP-PMVP ang Pontifical Commission for the Protection of Minors, Catholic Safeguarding Institute, at Conference of Major Superiors in the Philippines.
Tema ng pagtitipon ang “Our Mission of Safeguarding: A Journey of Hope and Compassion,” na hango sa Synod on Synodality at kaugnay ng pagdiriwang ng Jubilee Year of Hope ngayong taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 58,180 total reads

 58,180 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 137,352 total reads

 137,352 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 170,797 total reads

 170,797 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 206,095 total reads

 206,095 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 430,267 total reads

 430,267 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top