Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 31,909 total views

29th Sunday in Ordinary Time Cycle C
World Mission Sunday
Sunday of Culture
Ex 17:8-13 2 Tim 3:14-4:2 Lk 18:1-8

Nagdarasal ka ba? Ang mabilis na sagot ng marami ay “oo, nagdadasal ako.” Pero nagdadasal ka ba ng palagi? Napapaisip na tayo… ahh… paminsan-minsan ….. ahh…. sa gabi lang…..ahh… pag may pangangailangan lang ako. Mabuti at nagdarasal tayo, pero ang hinihingi sa atin ng Diyos sa mga pagbasa natin ay magdasal ng palagi, ng walang tigil. Sa ating ebanghelyo ibinigay ni Jesus ang talinhaga upang ituro sa mga alagad na dapat silang manalanging lagi at huwag manghinawa. Huwag tayong magsawa sa pagdarasal. Sa talinhaga ni Jesus kahit na ang isang hukom ay walang takot sa Diyos at walang pakialam sa kapwa, nadala siya sa pababalik-balik na paglapit sa kanya ng isang balong babae na humihingi ng katarungan. Walang kakayahan ang babae. Balo siya at marahil mahirap at walang kakilala. Pero may tiyaga siya at bandang huli nakuha niya ang kanyang hinihingi.

Ang Diyos ay mabait at mapagbigay. Lalo niya tayo pagbibigyan kung tayo ay hindi sumitigil sa pagdasal. Pero ang tanong, may pananalig ba tayo sa kabaitan ng Diyos na magtitiyaga tayo sa pagdarasal sa kanya. Baka naman dahil sa hindi ka pinagbigyan sa pagdasal mo ng isang rosary, ay tumigil ka na at sinisi mo na ang Diyos na hindi nakikinig sa iyo? Madalas hindi agad binibigay ng Diyos ang hinihingi natin kasi gusto niyang tingnan kung talagang serioso tayong naniniwala na mabuti at kailangan natin ang ating hinihingi. Sinusubok din niya ang pananalig natin, kung ito ba ay totoo o siklab lang ng damdamin. O kaya hindi niya ibinigay ang ating hinihingi dahil sa may mabuti pa siyang ibibigay sa atin.

Si Jesus mismo ay matiyagang nagdarasal. Sinasabi sa atin sa Bibliya na si Jesus ay madatagal magdasal, minsan magdamag pa. Gumigising pa siya ng maaga para makahanap ng panahon na tahimik makapagdasal. At paulit ulit din siyang nagdasal. Noong nasa jarden siya ng Getsemani paulit-ulit niyag sinabi na Diyos Ama na kung maaari huwag niyang inumin ang kalis ng kahirapan. Binigay ba sa kanya ang kanyang hinihingi? Hindi! Dinakip siya sa jarden ding iyon, pinasakitan, binugbog, dinusta at ipinako sa krus. Bakit? Ngayon alam natin bakit. Kasi may mas mabuting ibibigay pa sa kanya ang Diyos Ama. Ang muling pagkabuhay! Ang muling pagkabuhay niya ay hindi lang ang pagbabalik niya buhay na buhay. Ito ay bagong buhay, buhay na maluwalhati na ibinigay sa kanya. Natanggap niya ito dahil siya ay nagdusa at namatay!

Ang pagtitiyaga sa pagdarasal ay pinakita din ni Moises sa ating unang pagbasa. Sa kanilang palalakbay sa disyerto daraan ang mga Israelita sa teritoryo ng mga Amalecita. Ayaw silang padaanin ng mga ito. Sa halip, hinadlangan pa sila at inaway sila. Inutusan ni Moises si Josue na bumuo ng isang army at sagupain ang kaaway. Matanda na si Moises noon, mga isang daang taong gulang na siya. Umakyat siya sa taas ng burol na sinusubaybayan ng labanan sa iba. Tinulungan niya sila sa kanyang pagdarasal. Itinaas niya ang kanyang kamay na hawak-hawak ang mahiwagang baston. Habang nakataas ang kanyang kamay, nananalo sina Josue at ang mga Israelita. Pero napapagod siya. Bumababa ang kanyang kamay. Nananalo naman ang mga Amalecita. Napansin ito nina Aaron at Hur. Pinaupo nila si Moises sa isang bato at sinuportahan ang kamay ni Moises upang palagi itong nakataas. Samakatuwid,sinupurtahan nila si Moises habang siya ay nagdarasal. Dahil sa palagiang dasal ni Moises nanalo ang mga Israelita.

Ang labanan ay hindi lang nadadala ng galing, o ng lakas o ng sandata ng mga kawal. Kailangan din ng dasal upang manalo. Kaya kailangan din natin ang prayer warriors, ang tagapagdasal. Ito ang misyon ng mga Apostolada ng Panalangin. Sila ang tagapagdasal sa simbahan. Marami tayo nagagawa dahil sa panalangin ng tagapagdasal natin.

Ngayon ay World Mission Sunday. Inaalaala natin ang huling habilin ni Jesus bago siya umakyat sa langit, na ipagpatuloy natin ang kanyang misyon, abutin natin ang dulo ng daigdig ng Magandang Balita, na ang grasya ng binyag at ng kaligtasan ay matanggap ng lahat. Marami pa ang kailangang abutin. Dahil sa hindi pa tinatanggap ang Magandang Balita ng pagmamahal ng Diyos, ng pagpapatawad at ng kapayapaan kaya magulo ang ating mundo. Maraming giera, maraming tao, maraming pera at maraming kaalaman at technology ay ginugugol upang gumawa ng mga bomba at mga instrumento na pampatay. Kailangang-kailngan natin ng mga misyonero ng pag-ibig. Magdasal tayo sa Diyos na magpadala pa ng lalong maraming misyonero. Tandaan natin, makapangyarihan at mabisa ang palagiang dasal.

Sinulat ni San Pablo kay Timoteo, alang-alang kay JesuKristo, “ipangaral mo ang salita ng Diyos napapanahon man o hindi. Hikayatin mo, pagsabihan at patatagin ang loob ng mga tao sa pamamagitan ng matiyagang pagtuturo.” May sandata tayo na dapat palaging gamitin sa ating panalangin at sa ating pakikibaka sa kasamaan. Iyan ay ang buhay na Salita ng Diyos na matulis at mabisa. Maging matiyaga din tayo sa paggamit ng Salita ng Diyos. Kapag ginagamit natin ito sa pagpapahayag, sa pagpapaliwanag at pagninilay, tayo ay nagdarasal na.

Isang paraan upang tayo ay makapagdasal ng palagi ay ang pagpapahayag ng maiikling kataga habang tayo ay naglalakad, sumasakay sa jeep, naglalaba o nagluluto. Sabihin lang natin: Jesus mahal kita; o Diyos maawa ka; o halina na banal na Espiritu; o Mama Mary pray for me. Sa maiikling pangungusap na ito nakikipag-connect tayo sa Diyos at tayo ay nagdarasal. Ugaliin natin ito upang anumang oras na dumating si Jesus madatnan niya tayo nananalig sa kanya kasi patuloy tayong nagdarasal.
May second collection po tayo ngayong araw bilang tulong sa ating mga misyonero.

Pagiging ganap na diyosesis ng Calapan, isang malaking hamon at pananagutan

 1,072 total views

Nanindigan si Calapan Bishop Moises Cuevas na ang pagiging ganap na diyosesis ay hindi simpleng pagkilala sa paglago ng lokal na simbahan kundi pagtanggap sa mas malaking hamon at pananagutang ipagpatuloy ang misyong sinimulan ng mga naunang misyonero.

Sa kanyang pagninilay sa Misa para sa canonical erection ng Diocese of Calapan nitong August 7 sa Calapan Cathedral, sinabi ng unang obispo ng diyosesis na ang bagong katayuan ng lokal na Simbahan ng Oriental Mindoro ay bunga ng mahabang kasaysayan ng pananampalataya at paglilingkod.

“Ganap na natin itong minana. Minana natin ang sakripisyo ng mga misyonero. Minana natin ang pawis ng mga katekista. Minana natin ang mga panalangin ng mga lolo at lola. Minana natin ang katatagan at kababaang-loob ng mga Mangyan. Minana natin ang paglilingkod ng mga pari, madre, at mga layko. Mga kapatid, ang mana ay isang misyon. Ang mina ay misyon,” ayon kay Bishop Cuevas.

Ayon sa obispo, ang pag-angat ng Apostolic Vicariate of Calapan bilang isang ganap na diyosesis ay nangangahulugang mas malawak na pagpapalawak at pagpapaigting ng misyon ni Kristo sa Mindoro.

“Tayo ay naging diyosesis upang lalo pang palawakin ang misyon ni Kristo—palalimin ang pananampalataya; paglingkuran ang mahihirap; ihain ang kabataan; samahan ang mga Mangyan; ipagtanggol ang dignidad ng bawat tao at ng pamilya; itaguyod ang katarungan at kapayapaan; at pangalagaan ang ating iisang tahanan,” giit ni Bishop Cuevas.

Sinariwa rin ng obispo ang tala sa diary ni Bishop William Duschak, SVD noong 1962, kung saan isinulat niya ang katagang “Auf dem Weg zum Bistum Mindoro” o “On the way to the Diocese of Mindoro” na aniya’y sa kasalukuyan ay ganap nang natupad makalipas ang mahigit anim na dekada.

Ipinaliwanag din ng obispo na higit pa sa pinagmulan ng pangalang Mina de Oro ang tunay na kayamanan ng Mindoro.

“Maliwanag po sa ating mga pagbasa, at maging sa diary ni Bishop Duschak na ang tunay na ginto ng Mindoro ay ang Espiritu Santo na patuloy na kumikilos sa sambayanang ito,” ani Bishop Cuevas.

Kasabay nito, hinimok ng pastol ang mga pari, mga relihiyoso at mga layko na pangalagaan at panatilihin ang pagbubuklod bilang mga mananampalataya.

“Huwag nating hayaang magkawatak-watak tayo. Huwag nating sirain ang pagkakaisang binigkis ng Espiritu Santo,” paalala ng obispo.

Sa kasaysayan, nagsimula ang Kristiyanismo sa isla noong 1600s sa pamamagitan ng pagmimisyon ng mga Augustinian, Franciscan, Jesuit, Recollect, at SVD.

1936 nang maging Apostolic Prefecture, 1961 nang maging Apostolic Vicariate, at makalipas ang 75 taon ay ganap na itong naging diyosesis.
Isa sa mga tanyang na misyonerong naglingkod sa diyosesis si San Ezekiel Moreno na naging kura paroko ng Sto Nino Church o ang kasalukuyang cathedral ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, mayroong 40 parokya ang diyosesis at isang personal parish na nakatuon sa paglilingkod sa mga katutubong Mangyan sa lugar.
Sa kabuuang populasyon ng lalawigan na halos isang milyon, mahigit sa 800,000 dito ay mga Katoliko.

Pinangunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang pagluklok kay Bishop Cuevas bilang kauna-unahang obispo ng diyosesis, katuwang si Lipa Archbishop Gilbert Garcera, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Mahigit sa 30 obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa ang dumalo sa pagtitipon kasama si Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula.

PAG-IBIG at Landers, lumagda sa Memorandum of Agreement

 2,777 total views

Nilagdaan ngayong araw ng Pag-IBIG Fund at Landers Superstore ang Memorandum of Agreement (MOA) sa Landers Superstore Aseana upang palawakin ang mga benepisyong matatanggap ng mga miyembro ng Pag-IBIG sa pamamagitan ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene Acosta, layunin ng kasunduan na mabigyan ng mas maraming napapanahong benepisyo ang may 17-milyong aktibong miyembro ng PAG-IBIG Fund kabilang ang mga hindi pa nangangailangan ng housing o multi-purpose loan.

“Sa ating mga pag-ibig members, pumunta na kayo dito sa Landers, dalhin nyo ang iyong loyalty card plus, pwede na kayong mag-shopping kahit wala kayo ng membership card. Initially, hindi na.Pero mas maganda kung pagkatapos nilang mag-shopping kasi para forever na silang member ng Landers,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Acosta.

Ayon kay Acosta na bukod sa pagiging cash card, nagsisilbi ring daan ang Pag-IBIG Loyalty Card Plus upang makakuha ng mga diskwento, espesyal na alok, at reward points mula sa lumalawak na hanay ng mga partner establishments ng ahensya.

Binigyang-diin din ni Acosta na malaking bahagi ng buwanang gastusin ng maraming pamilyang Pilipino ang pamimili ng grocery kaya’t makatutulong ang bagong partnership upang makabawas sa kanilang gastusin dahil ang bawat pisong matitipid sa mga pangunahing pangangailangan ay maaaring mailaan sa edukasyon, pamasahe, bayarin sa kuryente at tubig, o maging dagdag na ipon sa MP2 Savings Program.

“We are truly grateful to Lander’s Superstore for joining us in this mission.Together, we are making the Pag-ibig Loyalty Card Plus even more rewarding and meaningful for our members.As we sign this Memorandum of Agreement today, we reaffirm our commitment to helping Filipino families save more, spend wisely, and enjoy greater value from their pag-ibig membership.To our friends from Lander Superstore, thank you for your trust and partnership. Maraming salamat po at congratulations to all of us,” bahagi pa ng mensahe ni Acosta sa gawain.

Sa bisa ng kasunduan na nagsimula noong August 01 hanggang October 31 ngayong taon, maaaring makakuha ang mga may hawak ng Pag-IBIG Loyalty Card at Loyalty Card Plus ng libreng Landers Shopping Pass, libreng Landers Premium Membership sa minimum na single-receipt purchase na 3-thousand pesos, at pagkakataong mag-upgrade sa Executive Membership sa halagang 300-pesos lamang, magagamit ang mga benepisyong ito sa 16 na kalahok na Landers Superstore branches sa buong bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CONFIDENTIAL FUND

 8,636 total views

 8,636 total views Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Karapatan sa disenteng tahanan

 83,766 total views

 83,766 total views Mga Kapanalig, karapatan ng bawat tao ang magkaroon ng disenteng tahanan. Para masabing disente, dapat itong sapat, ligtas, may seguridad, at nagbibigay-daan sa

Read More »

Hindi nakatutuwang biro

 115,047 total views

 115,047 total views Mga Kapanalig, mabuti pa si Japanese Ambassador to the Philippines na si Endo Kazuya, maraming pagpipiliang bahay dito sa Pilipinas.  Sa isang privilege

Read More »

Sino ang papasan ng system-loss?

 147,064 total views

 147,064 total views Mga Kapanalig, isa sa mga umani ng masigabong palakpakan sa State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr ay

Read More »

KULANG SA SONA NI PBBM

 298,936 total views

 298,936 total views Kapanalig, sa anumang hakbang., planong gagawin., polisiyang ipapatupad.,mga pangakong binitiwan, o mga usapin na sadyang iniiwasan. Lagi itong may kulang. Hindi ibig sabihin,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Homily August 2, 2026

 12,565 total views

 12,565 total views 18th Sunday of Ordinary Time Cycle A St John Mary Vianney Sunday Is 55:1-3 Rom 8:35.37-39 Mt 14:13-21 Ngayong Linggo ay St. John

Read More »

Homily July 26, 2026

 14,277 total views

 14,277 total views 17th Sunday in Ordinary Time World Day of Parents and the Elderly Fil-Mission Sunday 1 Kgs 3:5.7-12 Rom 8:28-30 Mt 13: 44-52 Sa

Read More »

Homily July 19, 2026

 19,621 total views

 19,621 total views 16th Sunday in Ordinary Time Wis 12:13. 16-19 Rom 8: 26-27 Mt 13:24-43 Sa pananaw ng mundo pinapakita ng tao na dahil siya’y

Read More »

Homily July 12, 2026

 27,195 total views

 27,195 total views 15th Sunday in Ordinary Time Is 55:10-11 Rom 8:18-23 Mt 13:1-23 Makapangyarihan ang simbahan. Tumagal siya ng higit na dalawang libong taon. Mula

Read More »
Scroll to Top