Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kahirapan at Kamatayan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 633 total views

Kapanalig, ngayong panahon ng laban sa droga at death penalty, kamusta ba ang maralitang Pilipino? Ano na nga ba ang nangyari sa kanila?
Ayon sa datos ng Asian Development Bank (ADB), 25.2% ng ating populasyon ay namumuhay sa ilalim ng poverty line. Ito na ang pangalawang pinakamataas na antas sa buong Southeast Asia. Kasunod lamang tayo kapanalig, ng Myanmar, kung saan nagkaroon ng civil war.
Ayon naman sa Social Weather Stations Survey noong huling quarter ng 2016, 44% o sampung milyong Pilipino ang nagsasabing sila ay mahirap. Mas mataas pa ito sa datos noong Setyembre 2016.
Kapanalig, tingnan natin ang mga lugar kung saan pinakamarami ang bilang ng maralita. Sinasabi ng datos na karamihan sa mga maralitang probinsya ay matatagpuan sa Mindanao at sa Visayas. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang probinsya ng Lanao ang may pinakamataas na poverty incidence. Ito ay 67.3% . Sumunod dito ang Eastern Samar na may 55.4, Apayao (54.7), Maguindanao (54.5), Zamboanga del Norte (48), Sarangani (46), North Cotabato (44.8), Negros Oriental (43.9), at Northern at Western Samar na parehong may poverty incidence na 43.5%.
Kapanalig, malalaki ang bilang na ito. Kung susuriin, sobra pa sa kalahati o halos kalahati ng mga probinsyang ito ay dumaranas ng kahirapan. Sa harap ng ganitong datos, ano ba dapat ang ating unahin? Ano nga ba ang prayoridad ng ating pamahaalan? Base sa budget allocation, makikita naman natin na binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang mahirap.
Ang Department of Education (DepEd) ay nagkaroon ng mataas na alokasyon na umabot ng P544.1 billion. Tumaas din ang alokasyon sa para sa imprastraktura, universal healthcare, pati na rin sa Department of Agriculture at Department of Agrarian Reform. Ngunit ang pinakamalaking increase, kapanalig, ay nasa opisina ng Pangulo, na tumaas ng 600%.
Kapanalig, sayang ang alokasyon na ito para sa mga pro-poor initiatives ng pamahalaan kung mas malakas ang pwersa para sa mga pagkilos na tila pumipigil sa pagsulong ng buhay ng ordinaryong mamamayan. Kapanalig, ang mga kamatayang nangyayari sa ating paligid ay nagdudulot ng atmosphere of fear at walang kasiguraduhan sa buhay, lalo na sa maralita na hindi kayang ipagtanggol ang kanyang sarili sa mga pwersa na maaring kumitil ng kanyang buhay, may kasalanan man siya o wala. Hindi “conducive” o nag-aakit ng kaunlaran ang araw araw na pagpatay na nangyayari, sabay pa ang license to kill na binibigay ngayon ng kongreso sa ating justice system na hindi naman accessible sa maralita. Kung ganito ang sitwasyon, kapanalig, tila sinumpa natin at sinigurado ang kamatayan ng 25% ng ating kababayan, na bumubuo ng mahihirap na populasyon sa ating bayan. Ano ang saysay ng pro-poor initiatives kung takot naman ang namamayani sa bayan?
Ang Economic Justice for All ay may akmang payo para sa ating lahat ngayon: The obligation to provide justice for all means that the poor have the single most urgent economic claim on the conscience of the nation.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 70,708 total views

 70,708 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 138,196 total views

 138,196 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 159,261 total views

 159,261 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 180,371 total views

 180,371 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 211,971 total views

 211,971 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

APAT NA DEKADA

 70,709 total views

 70,709 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 138,197 total views

 138,197 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 159,262 total views

 159,262 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 180,372 total views

 180,372 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »
Scroll to Top