“Please pray for us, that we may find peace in truth and justice, not in blood.”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,441 total reads

Ito ang masidhing panawagan ni Kaloocan Bishop Cardinal Pablo Virgilio David, pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), para sa kapayapaan ng Pilipinas sa gitna ng lumalalang korapsyon sa bansa.

Sa kanyang canonical installation bilang titular ng Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ sa Roma noong October 19, ibinahagi ng kardinal sa mga dumalong mananampalataya ang kanyang pag-aalala sa kalagayan ng bansa.

“I ask you to say a prayer for my country, the Philippines. I left my country with a heavy heart. These days, the people’s anger over government corruption is growing. And when anger grows faster than justice, it can easily explode into violence — as has recently happened in Nepal and Indonesia. Please pray for us, that we may find peace in truth and justice, not in blood,” ayon kay Cardinal David.

Inihalintulad ng kardinal ang kanyang kalagayan sa imahe ni Moises na nananalangin mula sa malayo habang nakikipaglaban ang kanyang bayan isang larawan ng Pilipinas na patuloy nakikibaka hindi lamang sa mga kalamidad kundi sa mas mabigat na suliranin ng katiwalian.

“That’s how I feel right now: far away, with arms outstretched in prayer for our kababayans at home who, in addition to nonstop natural calamities, are also dealing with the even worse calamity of corruption and malversation of public funds worth trillions,” aniya.

Binigyang-diin ng kardinal na ang pananalangin ay hindi gawain ng isang tao lamang, kundi sama-samang pagdulog ng sambayanan sa Diyos. Sa gitna ng mga pagsubok, hinimok niyang manatiling matatag at magtiwala.
Ibinahagi rin ni Cardinal David ang mga sandaling sinubok ang kanyang pananampalataya, lalo na noong nanindigan siya laban sa karahasan sa gitna ng kampanya kontra droga ng nakalipas na administrasyon.

“I felt like a miserable failure when many of our own Catholic faithful did not agree with our moral stand, such as against the killings during the bloody drug war of the previous administration,” dagdag ng kardinal.

Sa kabila nito, sinabi ng Kardinal na patuloy siyang pinatatatag ng Salita ng Diyos at ng kanyang araw-araw na debosyon, ang “Walk with Mama Mary” tuwing matapos ang hapunan at ang “Coffee with Jesus” tuwing umaga.
Pinaalalahanan ni Cardinal David ang mga mananampalataya na huwag mawalan ng pag-asa sa mga panahon ng panghihina.

“When your strength begins to fade and your arms begin to droop, remember Moses — and remember that God Himself, more than Aaron or Hur, stands beside you to keep your hands lifted, until the battle is won,” ani Cardinal David.

Si Cardinal David ay itinalaga bilang titular ng Church of the Transfiguration of Our Lord Jesus Christ matapos hiranging kardinal ni Pope Francis noong December 7, 2024.

Ang bawat kardinal ay may kaukulang simbahan sa Roma bilang sagisag ng kanilang pakikiisa at katapatan sa Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 75,865 total reads

 75,865 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 110,708 total reads

 110,708 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 146,008 total reads

 146,008 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 372,277 total reads

 372,277 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 261,551 total reads

 261,551 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top