Peacetalks, panawagan ni Pope Leo XIV sa mga bansang may digmaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,064 total views

Muling nanawagan si Pope Leo XIV para sa agarang tigil-putukan at dayalogo tungo sa kapayapaan, lalo na sa mga bansang patuloy ang karahasan at digmaan.

Sa kanyang Angelus sa Vatican, hinimok ng Santo Papa ang mga pinuno ng mundo na bigyang-daan ang mga hakbang tungo sa pagkakasundo at pag-asa.

“I renew my heartfelt appeal for an immediate and effective ceasefire. May the instruments of war give way to those of peace, through inclusive and constructive dialogue,” pahayag ni Pope Leo XIV.

Binigyang-diin ng Santo Papa ang kanyang pag-aalala sa patuloy na digmaan sa Myanmar, kung saan kabilang sa mga target ng mga pag-atake ang mga sibilyan at mga pasilidad sibil.

Ipinahayag ng punong pastol ang kanyang pakikiisa sa lahat ng nagdurusa dahil sa karahasan, kawalang-seguridad, at kahirapan na dulot ng labanan.

“The news from Myanmar is sadly distressing,” ani ng Santo Papa habang pinangungunahan ang panalangin para sa kapayapaan.

Kasabay nito, ipinagkatiwala ni Pope Leo XIV sa Mahal na Birheng Maria at sa mga bagong Santo ng Simbahan ang panalangin para sa kapayapaan sa Holy Land, Ukraine, at iba pang lugar na patuloy na dinudurog ng digmaan.

“Let us entrust to the intercession of the Virgin Mary and the new Saints our constant prayer for peace in the Holy Land, Ukraine, and other places affected by war. May God grant all their leaders the wisdom and perseverance to advance in the search for a just and lasting peace,” dagdag ng Santo Papa.

Sa okasyon din ng World Mission Day, pinuri ni Pope Leo XIV ang mga misyonerong patuloy na naglilingkod sa mga komunidad sa iba’t ibang panig ng mundo, lalo na sa mga hindi pa nakakikilala sa Panginoon.

“Today is World Mission Day. While the whole Church is missionary, today we pray especially for those who bring the Gospel to those who do not know it. They are missionaries of hope among all peoples,” pahayag ng Santo Papa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 16,153 total views

 16,153 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 66,837 total views

 66,837 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 72,966 total views

 72,966 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Konkretong paraiso?

 102,520 total views

 102,520 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 120,573 total views

 120,573 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top