Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 160,299 total reads

Mga Kapanalig, eksaktong isang linggo na ang nakalilipas nang barilin ng hindi pa rin nahahanap na suspek ang local broadcaster na si Noel Bellen Samar sa Guinobatan, Albay. Apat na tama ng kalibre .45 na baril ang tinamo ng mamamahayag. Kinabukasan, tuluyan na siyang binawian ng buhay. Si Samar ay 54 na taóng gulang.

Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, hindi pa rin natutukoy ng mga imbestigador ang motibo sa likod ng pagpatay kay Samar. Pero para sa Albay chapter ng National Union of Journalists of the Philippines (o NUJP), dapat isaalang-alang ng mga imbestigador ang trabaho ni Samar bilang isang broadcaster. Kilala si Samar na kritiko ng kasalukuyang gobernador ng Albay na si Noel Rosal. Host si Samar ng isang radio program na umeere sa TV at mga pangunahing istasyon ng radyo sa probinsya. Sa mga programang iyon, ipinararating niya ang kanyang komentaryo sa provincial government at iba pang usaping pulitikal. Maaanghang na mga puná rin ang ipino-post niya sa social media. Kilala nga si Samar bilang “Mr Bull’s Eye”.

May nakikitang pattern ang mga grupo ng lokal na mamamahayag sa mga pag-atake sa mga local media practitioners sa Bicol. Ang Albay chapter ng NUJP ay nakapagtala na nga ng maraming kaso ng panggigipit, pananakot, at red-tagging sa mga mamamahayag mula 2023. Labimpito ang sinampahan ng kasong cyber libel. Dalawa na rin ang pinapatay, at karagdagan nga sa listahan si Samar. Sa pagmo-monitor naman ng grupong KARAPATAN, mahigit 400 na dokumentadong kaso ng panggigipit, pananakot, panliligalig o harassment, at red-tagging ang naiulat na sa Bicol simula nang manungkulan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. 

Para sa NUJP at KARAPATAN, lantarang inaatake ang kalayaan sa pamamahayag o press freedom sa Bicol.

Bakit mahalaga ang press freedom? 

Una, isa ito sa mga saligan ng demokrasya. Binibigyan nito ang mga mamamayan—sa pamamagitan din ng mga mamamahayag—na isiwalat ang totoo, magbahagi ng opinyon, at panagutin ang mga nasa poder. (Tandaan lamang natin na ang kalayaang ito ay dapat na nakabatay sa tama at totoong impormasyon—hindi sa paninira at malisya.)

Pangalawa, ang pagtatanggol sa kalayaan sa pamamahayag ay pagtatanggol din sa ating karapatan sa impormasyon at katotohanan. Bilang mga mamamayan, karapatan nating malaman kung ano ang totoo, lalo na sa mga isyung panlipunan at pampulitika na nakaapekto sa ating buhay. Bahagi ito ng tinatawag nating transparency.

Pangatlo, ang pag-atake sa mga mamamahayag at ang anumang tangkang patahimikin sila ay hindi lamang paglimita sa mga karapatan ng mga indibidwal. Pinahihina rin nito ang kakayahan nating mga mamamayan na bantayan at pigilan ang pang-aabuso at pagnanakaw ng mga nasa gobyerno.

Tinitiyak ng press freedom na naririnig ang boses ng mamamayan. Ilang araw nga pagkatapos niyang maging bagong Santo Papa, nanawagan si Pope Leo XIV na palayain na ang mga mamamahayag na ikinulong dahil sa pag-uulat nila ng mga totoong nangyayari at dahil sa pagtataguyod ng natatanging biyaya ng malayang pamamahayag. May mga pahayag ang ating Simbahan na maaaring salungat sa pananaw na ito ni Pope Leo XIV, pero malinaw ang turo ng Santa Iglesia: hindi natin makakamit ang kabutihang panlahat o common good kung itinatago ang katotohanan—katotohanang inaalam, sinusuri, at isinisiwalat ng mga mamamahayag. 

Mga Kapanalig, hindi natin maiaalis na kahit sa larangan ng media, may mga mamamahayag na hindi tapat sa tungkulin nilang pangalagaan at palaganapin ang katotohanan. Biased, ‘ika nga. Pero huwag nating idadamay ang mga tunay na naghahatid ng tamang balita at nagtataguyod ng katotohanan. Huwag nating idamay ang mga “[ipinahahayag] nang malinaw ang katotohanan at ang katuwiran,” sabi nga sa Mga Kawikaan 31:9. Stop shooting the messenger!

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 192,205 total reads

 192,205 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 262,606 total reads

 262,606 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 296,055 total reads

 296,055 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,355 total reads

 331,355 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 550,127 total reads

 550,127 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 192,206 total reads

 192,206 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 262,607 total reads

 262,607 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 296,056 total reads

 296,056 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 331,356 total reads

 331,356 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top